Twenty Two

1.6K 67 5
                                    

Jade's POV

I woke up with Althea not being at my side. I frowned and looked at the clock beside me. It's already fifteen past six. She must have been preparing for work.

I found her having a cup of coffee and reading a newspaper at the kitchen. Alam kong galit padin siya sa'kin, pero ganon din ako sakanya. But still, she has a point.

Dapat dumistansya ako kay Nate since parehas kaming may other commitments. I don't want to get into their relationship.

Lumapit ako sakanya at nagkatingan naman kami. She looked away and continued reading.

Umupo ako sa harap niya and continued staring at her hoping that she'll now talk to me. Pero wala namang nangyari. Ilang saglit lang ay tinigil na niya yung pagbabasa and had one last sip of her coffee before leaving me along in the kitchen.

I scowled. Napakatigas naman talaga nito.

I didn't give up. I followed her until we're already infront of the door. Alam na nga niyang sinusundan na siya tas dinededma lang ako. Invisible ba 'ko?

Kanina ko pa siya sinusundan pero the expression on her face didn't change. Nakasimangot padin siya. Sobrang seryoso. Para bang kukuhanan ng litrato sa passport.

Palabas na sana siya when I stopped her kasi hindi ko na natiis hindi magsalita.

"Can I atleast have a goodbye kiss?" I asked.

She looked at me at mabilisang binigyan ako ng halik sa pisngi.

"You can go to work anytime. Just use my other car." She said at mabilisang pinaandar ang sasakyan niya. Wow hindi pala ako invisible?

Ang hirap naman suyuin ni Guevarra.

I decided to go to work after na umalis ni Althea. Ayoko namang mapansin nila na absent ako nang absent kahit bago ako. Baka isipin nila pa-importante ako. It will defeat the purpose of not broadcasting our relationship to the public.

Pagkapasok ko palang ay sinalubong na agad ako nila Andie and Nate. Sabay na sana kaming aakyat nang biglang halos mapako ako sa kinatatayuan ko.

Andoon kasi si Althea kasama ang iba pang mga babaeng empleyado. Nagtatawanan sila at para bang halos maluwa na yung mga babae kakatitig sa girlfriend ko.

"Heartthrob talaga 'yang si ma'am eh no?" Sabi ni Nate habang pasakay na kami ng elevator.

"Shit. Mukhang sasabay pa ata sila sa atin paakyat. Ang hot ni ma'am! Huy, Jade, okay lang ba itsura ko?" Isa ka pa, Andie!

Hindi nga siya nagkamali dahil they headed towards us.

"Pwede ba kami?" Althea asked.

"Kasya pa naman po, ma'am." Nate said.

"Hi, ma'am good morning po!" Andie grinned.

Nakayuko lang ako at para bang pinapakiramdaman yung mga nangyayari.

"Morning. Morning, Ms. Tanchingco." She said.

"G-good m-morning ma'am." I replied.

Umakyat na yung elevator at ramdam na ramdam ko yung tensyon sa aming dalawa since sa akin lang siya nakatingin. Hindi ko nga alam kung napapansin ba iyon ng mga kasamahan ko.

Umalis na si Althea kasama nung mga empleyado niyang parang aso kung makasunod sakanya. Ugh! Naiinis ako.

"Alam mo, feeling ko kanina pa nakatingin sa'yo si ma'am Althea nung nasa elevator tayo." Andie said nung nakaupo na kami.

"Ayos ka lang? Baka iba tinitingnan ni ma'am." I denied.

"Para kasing ikaw yung tinitingnan, girl. Kahit tanungin mo pa 'tong si Nate eh!" I looked at Nate.

"Oo nga, Jade. Parang sa'yo lang siy nakatingin kanina. Kahit nga nung kinakausap siya nung iba pa nating mga kasama, sasagot siya pero sa'yo parin nakatingin." He said.

"Nako guys, baka nagkakamali kayo." I said. Hindi nila pwede malaman.

"Sus kahit naman totoo na ikaw tingnan ni ma'am, wala namang mangyayari kasi diba nga straight ka. Kung ako yun, siguro naglulupasay na ako sa kilig!" Andie said.

Napakahaliparot din nitong babaeng 'to!

"Sira. Haha. Tara na nga bumaba na muna tayo sa canteen for breakfast. Hindi pa kasi ako nakakakain eh." I said.

"Sige, tara na!" They replied.

Pagdating namin sa canteen ay nag-order na kami ng meal namin para makakain na. Kumuha na kami ng table namin at nagstart nang kumain.

We were currently eating while someone stood infront of us.

Shit. It's Althea.

"I bet you still have a vacant seat. Can I join?" She asked. Halos tumunganga namab kaming dalawa ni Andie kaya si Nate na ang nagsalita.

"Ay opo, ma'am. Dito na po kayo." He said as he cleared the stuff on the vacant chair.

"Oh bakit parang nakatulala kayong dalawa diyan?" She asked the two of us.

"Starstrucked po ata, ma'am." Nate joked.

"Nako ma'am, welcome po kayo dito samin anytime!" Andie said.

"Thanks. Hindi pa kasi ako nakapag-almusal eh. Walang nagluto para sa akin." She looked at me.

"Hindi pa ba kayo kumain? Ikaw, miss Tanchingco?" She asked me. Bwiset 'to.

"Wala po kasi akong kasamang magbreakfast kasi magkagalit parin kami ngayon eh." I said while intensely looking back at her. Nakakainis ka padin.

"May kasama ka sa condo mo, Jade?" Nate asked.

"Yep. Nagkagalit nga kami kasi napakaseloso nun." I looked at Althea and saw her frowning.

"Grabe naman! Wala bang tiwala sa'yo yun?" Andie said.

"Excuse me, I have to go. May kelangan pa pala akong tapusin." She excused herself. Napakapikon!

"Ay, sayang ang bilis namang umalis ni ma'am." Andie said.

"Baka may kailangan lang talagang gawin." I said while smirking as we continued our meal.

I focused my attention on all the reports I needed to finish and pass. Namamangha nga sila Andie sa akin dahil kahit bago palang ako ay sobrang concentrated ko na daw sa trabaho. Hindi nila alam na halos mabaliw na'ko dito kakaisip sa girlfriend ko.

Tinapos ko ang araw nang hindi pinapansin si Althea. I badly miss her pero hanggang ngayon ay hindi parin talaga kami nagbabati.

Pauwi na ako and I waited for a cab infront of our office. Hindi parin talaga ako sasabay kay Althea.

I saw Nate's car and it stopped sa harap ko.

"Uy! Sumabay ka na ulit sa akin!" Nate shouted.

"Wala ba kayong date ng girlfriend mo?" I asked him.

"Wala. Mamaya pa yun eh. Sobrang sipag kasi kaya nag-overtime. Oh ano? Tara na!" He said.

I was about to open his car when a car went infront of Nate's car.

"Miss Tanchingco, get in my car now."

EveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon