Althea's POV
"Tsong, alam mo kanina ka pa nakatulala dyan. Ano bang problema?" Tanong ni Batchi.
"Walang problema 'yan. Kulang sa tulog kakaisip dun sa Jade na 'yon." Sabi naman ni Wila.
"Pwede ba. Kung wala kang magandang sasabihin, pwede manahimik ka nalang?" I told Wila.
Nandito ako ngayon sa RK dahil nga may inaasikaso kaming papers nila Batchi. Pero dahil nga lunch break eh pinagpasyahan muna namin na itigil yung mga ginagawa namin. Isa pa, parang wala naman din kasi akong natatapos.
"Easy lang. Mag-aaway nanaman kayo eh. Ano ba kasing iniisip mo, Althea? Kanina ka pa spaced out dyan." Seryosong tanong ni Batchi.
"Tsong, okay nga lang ako. May iniintindi lang." Sagot ko.
"So, si Jade nga?" Wila asked.
"Nag-away kayo? Nung umalis ako ng Batangas okay naman kayo ha? Anyare?" Dagdag tanong pa ni Batchi.
"Wala kaming problema, okay? It's the other way around. Sobrang okay nga namin eh. Mas napapalapit at mas nakikilala namin yung isa't-isa." I answered.
"Oh bakit hindi ka masaya? Ayaw mo ba nun? Diba type mo si Jade?"
"Oo nga! Nagseselos na nga ako eh!" Wila said.
"Manahimik ka nga, Wila! Namomroblema na nga 'ko, nambubwisit pa kayo!" I said.
"Bakit ka naiinis? May dalaw ka ba!?" Batchi said.
"Siraulo. Hindi kasi yun. Iniisip ko si Jade."
"Edi sa'yo na nga rin mismo nanggaling! Puro ka Jade eh." Wila said.
"Hindi ko na kasi alam kung ano ba talaga meron samin. O baka nga sa akin lang?" I said.
"Hindi ka sure? Bakit naman ganyan, tsong?" Batchi asked.
Umalis ako sa upuan ko at umupo sa couch. Inabutan ako ni Wila ng coffee at ng pagkain na pinadeliver namin kanina.
"Ewan ko ba. Di ko alam yung real shot samin ni Jade. Di ko alam kung may chance ba o hanggang friends lang talaga kami." I said.
"Edi inaamin mo na ngang may gusto ka dun sa Jade?" Wila asked.
"Oo naman. Hindi ako mag-eeffort nang ganito kung wala akong gusto sakanya."
"Eh yun naman pala eh, anong problema mo dyan?" Batchi said.
"Tsong, magkaiba kami ni Jade. Ibang-iba. Unang-una, straight siya. Pangalawa, may fianće na yun, hiniwalayan lang. Isa pa, feeling ko hanggang friends lang 'tong kung anong meron samin. Ayokong umasa, tsong kaya nga hangga't maaari ayokong sirain yung friendship namin." I paused.
"Pero ano? Ituloy mo. Halata namang may sasabihin ka pa eh."
"Gusto ko talaga si Jade. I really like her. Sa tingin niyo ba napapansin niya yun? Ayokong lumayo siya sakin dahil lang sa nalaman niyang gusto ko siya." I said while taking a bite at my sandwich.
"Bakit naman lalayo? Grabe naman yun." Batchi said.
"Tanga ka ba? Malamang awkward yun. Lalo na kung di naman pala mutual yung feelings!" Wila directly said.
"Paano mo naman ba kasi nasabing awkward? Malay mo mutual pala. Ang hirap kasi sainyo, nagjjump kayo agad sa conclusions."
Umalis si Batchi sa upuan niya at lumapit sa akin. She looked into my eyes as if tinetest niya ako.
"Hoy, seryoso ka ba talaga kay Jade? Kasi kung hindi itigil mo na 'to. Masasaktan niyo lang ang isa't-isa." Batchi said.
"Seryoso ako, Batchi. Ngayon ko nalang ulit naramdaman yung ganitong feeling. Gusto ko na 'tong i-grab dahil after many months, ngayon nalang ulit ako sumaya. This is definitely because of her." I said.
"Hindi mo na ba naalala 'yang ex mo? Mamaya bumalik lang yun sa buhay mo, magwala ka nalang at biglang lumuhod at magmakaawa sakanya!" Wila said.
"Wala na nga siya diba? Iniwan na niya 'ko. So what's the point para hintayin siya? Guys, look. Sumasaya ako pag kasama si Jade. I feel complete when I'm with her." I said.
"Wow, cheesy. Mapanindigan mo kaya yan? Althea, we've seen you at your worst. Ayaw na namin ikaw makita na nawawalan ng bait. Tama na yung nasaktan ka nang isang beses." Batchi warned me.
"Ganito lang naman kasi kasimple yan." Wila took her coffee from the table.
"Either ipaglalaban mo yan, o ngayon palang isusuko mo na. Kung sa tingin mo ay hindi naman same ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa, mas okay na yung itigil mo na yan. Masasaktan ka lang, Althea!" Wila exclaimed.
"I'm ready to endure all the pain this act may cause me. Wala na akong pakialam kung straight siya oh hindi. Ang mahalaga nalang ngayon ay masabi ko sakanya yung feelings ko. Oo, tama, dapat sabihin ko na sakanya."
Tahimik kaming kumakain nang biglang tumawag si Jade.
Jade Calling...
Hindi ako mapakali kaya naman tinanong ko sina Batchi.
"Anong gagawin ko?! Bakit kaya siya tumatawag?" I asked them.
"Eh kung sagutin mo nalang kaya para malaman mo mga sagot dyan sa tanong mo."
"Kinakabahan ako eh." I told them.
"Dumating lang sa buhay mo si Jade, nabakla ka naman na agad!" Wila teased. Shut up.
Naghintay pa ako ng isa pang ring at sinagot na agad.
"Hello, pwede ba tayong magkita?" She directly asked.
"Sure. Saan mo gusto?" I asked her.
"Kahit saan. Pero okay lang ba kung dun nalang sa bar kung saan tayo nagkita?" Seryosong tanong niya.
"Fine with me." I nervously told her.
"Okay, see you." She hung up the phone.
Binaba ko ang telepono ko at tiningnan sila.
"Gusto niyang magkita kami ngayon. Parang ang seryoso nga ng tono ng boses niya. Ano kaya yun?" I asked them.
"Baka sasabihin na niya sa'yo na layuan mo siya!" Kahit kelan ka talaga, Wila!
"Ewan ko sa'yo! Bahala na nga kayo diyan!" Sabi ko while getting up to fix lahat ng pinagkainan namin.
"Gusto mo ba talaga malaman kung may feelings kahit onti si Jade para sa'yo?" Wila asked as I looked at her.
"Kung kalokohan lang din naman yan, wag nalang. I value our friendship more. Nirerespeto ko yung sexual preference niya." I told them.
"Arte naman eh. It's just an experiment to test Jade. Kumalma ka nga dyan!" Batchi said while smiling.
"Puro kayo kalokohan eh!" I told them.
"Tsong, tara na kasi. No harm done, promise. Sakyan mo lang 'tong naiisip kong gawin." Sabi ni Batchi.
"Okay, ano ba kasi 'yon?" I asked her. Si Wila ay nakikinig nadin sa plano ni Batchi.
"Okay, here's the plan."