Jade's POV
Naghanda na kami ni Lubb para makapunta na kami sa Runner's Kitchen. May kailangan din daw kasing documents si Althea kaya dadaan na daw muna kami doon.
We went down and got to her car. She opened the engine, fastened my seatbelt, and started driving to the streets.
"Lubb, isn't it tiring to be in the working class?"
"It is. Pero that's life for me. I work, I save, sarili ko lang inaasahan ko eh. I've been very independent." She said while holding my other hand.
"Really? Ako naman, I do travel when I get bored. Wala nga akong trabaho since nandito ako sa Pilipinas." I told her.
"You'll be alright, Jade. Nandito naman ako eh." She looked at me and winked as she kissed my hand.
"Wala lang. I'm just amazed on how you made your way through the top. Ang galing talaga ng lubb lubb ko!" I said while giving her light kisses on her cheek.
"Jade, mababangga tayo sa ginagawa mo eh! I'm distracted.
"See? That's what I feel everytime you're near me. I can't concentrate on the things I am and should be doing!" I laughed at her.
"Humanda ka sa'kin pag nakauwi na tayo!" She said.
Nakarating na kami ng Runner's and pumasok na kami nang magkahawak kamay. She insisted on holding my hand kasi daw baka may makakuha pa sa'kin.
Possessive girlfriend!
Pagpasok palang namin ay nagtinginan na yung mga employees doon. They flashed me the smiles on their faces as they looked on us.
"Naks, ma'am! Congrats po!"
"Nako! May kasama na ulit si ma'am!"
"Ma'am Althea bagay po kayo! Ano po pangalan niya?"
"Ay guys, by the way, si Jade. Girlfriend ko." She said as she introduced me to her employees.
They gave me a warm welcome at kung anu-anong compliments na natatanggap ko na bagay daw kami at sobrang ganda ko daw. It's nice to hear things from them. Mas lalo akong natutuwa sa kung paano nila mahalin si Althea. Ganoon nalang talaga siguro siya kabait sa mga empleyado niya. At isa narin yun sa mga hinahangaan ko sakanya.
Hay, Althea. You never fail to surprise me. Iba talaga charms mo!
"Ma'am, wag niyo pong sasaktan 'yang boss namin ha? Ayaw na po namin siyang nakikitang malungkot!"
"Kayo talaga! Haha. Aalis na kami ha? Kayo na bahala dito. Bye guys!" Althea said as she gathered the files she needed.
"Grabe din yung pagmamahal sa'yo ng mga empleyado mo eh no?" I said as we headed to the bar.
"Matagal na kasi silang nagttrabaho sa akin. Kakastart lang nitong RK last year pero sila mismo ang nagvolunteer as my workers. I owe them alot." She smiled at me.
Dumiretso na kami sa bar and doon na nga namin nakita sina Batchi and Wila.
"Andito na yung lovebirds!" Says Batchi.
"Kamusta naman ang first day niyo? Ginalaw ka na ba nitong babaeng 'to?!" Wila added.
"Siraulo! Tara na nga sa loob. The beers are on me. My treat." The two yelled with joy as we entered the place.
The bar's jam-packed with people. Siguro nga kasi Friday nga naman. Natural lang na mapuno talaga ngayon ang bar.
"So, Jade, how's Althea as a girlfriend?" Batchi asked.
"She's very caring! Oh, and sweet!" I gladly said.
"Aruy! Sakit nun, Wila!" Batchi teased.
"Che! Tigil niyo na nga 'yan! Mag-inuman nalang tayo!" Wila said.
"Ayyy, bitter? Selos? Wag ka nang magselos." I said while frowning.
"Jade, hayaan mo na yan si Wila! Wag mo na ngang pansinin si Wila. Haha." Althea said.
"Ay, guys! Saan dito yung restroom?" I asked them.
"Doon. Tara na samahan na kita. Mahirap na, baka maagaw ka pa ng iba." She smiled.
"Hoy nilalanggam na kayo dito! Bwiset. Tara Chi, order na nga lang tayo!" Wila said.
Pumunta na kami ni Althea sa restroom para samahan akong pumila.
"In fairness, cute ka pala mang-away." She said.
"Cute ka pala ma-cutean." I replied.
"Cute ka, period!" And we both laughed.
Pagkatapos namin magparty ay napagpasyahan na namin na umuwi bago pa kami masobrahan sa kalasingan. Mahirap na, magddrive pa naman si Althea.
Tumuloy na kami sa condo niya at nagpalit na kami into our pajamas. Humiga na si Althea at nagsimula nang basahin yung librong hawak niya habang ako naman ay busy sa pagsusuklay ng buhok ko.
"Lubb, can I ask you something?" I said as I dropped my brush and started brushing my teeth.
"Ano yon? May problema ba?" She asked while looking at me.
"Wala naman. Nothing serious. May favor lang sana ako sa'yo eh." I said.
"Go. Ano ba 'yon? You want to do something?" She said while closing her book.
"Uhm yes. These past few weeks ay nabbore narin kasi ako dahil wala naman talaga akong ginagawa. So, gusto ko sanang magtry to work for you. Kung okay lang naman?" I said as I went to our bed and sat beside her.
"That's fine with me. Anong position ba gusto ng lablab ko? Gusto mo palitan mo nalang ako as CEO?" She teasingly said.
"No! I can't handle things like that. Ikaw magaling dyan eh. I just want to be with you everyday. Feeling ko kasi mamimiss lang kita habang nasa office ka." I pouted.
"Clingy naman ng lablab ko!" She said as she hugged me.
"Osige. You can work for me at tuwing may event kami ay isasama kita. Hindi ko rin kasi kayang hindi ka kasama. Mamimiss lang rin kita." She looked at me and kissed my forehead.
"Sino ngayon ang mas clingy?" I teased her.
"Atleast aminado ako!" She said.
"Oo na. Thank you for this day, lubb. You made me happier. I love you!" I said as I kissed her cheek.
"This day was a good one, indeed. I like spending days like this with you. I love you too." She said.
"Aww. We're getting cheesy! Tara na let's go to sleep." I said as we both laid on our bed.
"Good night, lablab." She said.
"Lubb, teka lang! Kelan na ba muna ako magsisimula sa company mo?" I asked her.
"Tomorrow!" She grinned at me as she closed the lights.
Tomorrow?!
