Prologue

113 9 20
                                    

Prologue




“ACTION!”

I rummaged through my hand bag while walking through the lobby of the hotel. Hinahanap ko ang susi ng kotse. But just when I got it, I bumped into someone that caused the keys to fell on the floor.

“Shit...” I muttered silently. Akmang kukunin ko na ay 'tsaka ring pagpulot ng naka-bangga ko.

And then, the cliche eye contact follows.

“And.. cut!” the director exclaimed.

Umayos agad ako ng tayo at kinuha ang script na itinago ko sa loob ng bag na hawak ko. Nilipat ko ang page sa scene na ginagawa namin ngayon at tahimik iyong binasa habang inaayos ng crew ang mga camera at lightings for a different angle.

“Hey, masyado bang malakas 'yung pagka-bangga ko sa 'yo?” my co-star, Kit Derello, asked. “Muntik ka kasi ma-out of balance, sorry.”

“No, it's fine. It's because of my heels,” I assured him with a smile.

Ngumiti rin naman siya, and as an actress with a lot of experiences, I knew it was a fake one.

“Pasensya na talaga, ate Rae. Kanina pa kasi pabalik-balik itong pag-take ng scene na 'to. Uwing-uwi na ako,” he said.

Mahina naman akong natawa at tumango na lang. The both of us is aware that there are still cameras recording from behind the scene, that's why we had to act like we are just conversing happily.

Obviously, we are currently shooting our new movie. Kit is my leading man for this project. Isa siya sa junior stars ng entertainment na kinabibilangan naming dalawa, that's why he's calling me ate even though we're of the same age.

“Ready, Beatrice and Dos?” the director called us by our names in the movie.

“Opo, direk.”

“Alright, stand by, everyone!”

Bumalik kami sa pags-shoot at nagtagal iyon ng ilang oras pa bago tinapos ang shooting ngayong araw. I thanked everyone as well as Kit and the director habang nagsisimula na silang i-impake ang mga gamit.

After a little chit chat with the director ay nagbihis ako saglit bago dumiretso, kasama ang manager kong si ate Perry, sa parking lot ng hotel kung saan naghihintay ang artist van ko.

“Ano ang sched ko bukas, ate Pers?” tanong ko sa manager ko.

“Aside sa shooting...” She browsed through the IPad she's holding. “Two photoshoots lang, Rae. 8AM to 12PM.”

Hindi na ako sumagot dahil natanaw ko na ang artist van ko. Nakabukas na ang sa may back seat at isang pamilyar na tindig ang nakatayo sa gilid nito. He was wearing his usual bodyguard outfit, black suit with a white dress shirt underneath.

“Hi, Lucho! Ikaw naka-duty now?” nakangiting salubong ko sa kaniya.

Diretso lang ang tingin niya pero nang marinig ang boses ko ay saglit na sumulyap siya sa direksyon ko.

“Yes, ma'am.”

Napanguso ako saglit. Ang tipid niya talaga sumagot. Tapos seryoso pa lagi. Kahit ngiting-ngiti ako sa kaniya, hindi man lang ngumingiti pabalik kahit tipid!

Nang makapasok na kami ni ate Perry sa loob ay sinarado na ni Lucho ang pinto ng van at pumasok sa passenger's seat. Sinimulan ko nang tanggalin ang make up na suot ko nang umandar na ang van.

“Nagugutom ka ba, Rae? Gusto mo ba dumaan muna tayo sa drive thru?” tanong ni ate Perry sa 'kin.

“I'm not hungry, ate. Pero dumaan na lang tayo sa drive thru para sa foods niyo,” I told her.

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon