Chapter 5
“Malinis na po ang buong bahay, nilinisan ko na kahapon pa lang. Kompleto na rin po ang mga gamit na kakailanganin mo, nakapag-grocery na rin ako kaya pwede kang magluto ng uulamin mo.”
Nilibot ko ng tingin ang kusina habang tahimik na nakikinig kay Lucho. Nakahilig ang kaliwang braso ko sa island counter at nakatayo naman siya sa harapan ko.
“Kung gusto mo naman pumasyal, sabihan mo lang ako para masamahan kita,” dagdag niya.
I looked at him. Paniguradong utos na naman 'yon ng management sa kaniya. Tumigil na nga siya sa pagiging bodyguard ko tapos nandito na naman ako ngayon sa harapan niya para bantayan.
“No need, kaya ko namang mag-isa,” nakangiting tanggi ko.
Jokes on me, I am not familiar with this place. Ayaw ko lang talaga siyang maistorbo, because first of all hindi ko na siya bodyguard. Pwede naman siguro ako mag-search about this place.
Nang magpaalam na si Lucho, tinawagan ko na si ate Perry para ipaalam na nakarating na ako. Sunod ko namang tinawagan si mommy at umabot 'yon ng oras dahil sa dami niyang paalala sa'kin. Kung hindi lang siya inawat ni daddy ay hindi matatapos ang call.
The next thing I did was fixing my things sa bedroom. The bedroom was just a simple one. It has a bed in the middle, beside it is a side table with a lampshade, and then a sliding window. May closet din iyong sa may corner at doon ko nilagay ang mga gamit ko.
I put some of my things sa side table like my phone charger and laptop, as well as sa bathroom for my hygiene necessities.
Nang matapos ako ay nahiga na lang ako sa kama at pinagkaabalahan ang phone. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kaya I searched up my name online. Several articles about the statement of Stardome popped up. Wala na 'yung articles about the rumors.
I don't know if it was a good thing or a bad thing. May nakita kasi akong isang comment na nagsabing binili raw ng Stardome yung mga gumawa ng articles kaya na-take down 'yung post kasi totoo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.
People really tend to conclude things on their own. They only want to see what they want to see. Na kahit pinakitaan na ng katotohanan, hahanapan at hahanapan pa rin nila 'yon ng mali.
My initial plan was to go out and explore the place. But then I remembered the reason why I am here. Hindi ako pwedeng makita. I need to be away from the media's eyes. Tapos nasa isang hindi pamilyar na lugar pa ako. I need to be careful.
For the next three days, wala akong ginawa kundi ang manatili lang sa bahay na tinutuluyan. Puro phone, kain, panonood ng TV, at higa lang ang ginawa ko. Kahit gustuhin ko mang lumabas, I can't afford to be seen. Lalo na ngayong nag-release ang Stardome ng notice about my hiatus.
Mabuhay! This is Stardome Entertainment. After a lot of discussions and considerations, actress Rae Herrera decided to be on hiatus to give herself some rest. The actress would like to express her heartfelt gratitude to those who have been by her side and supporting her. She promised to be back healthy to perform well in the future. Until then, we are hoping for your kind consideration and respect to our artist's decision. Thank you for your understanding.
Below the statement is a photo of me. It garnered a lot of attention from the public. Most of the comments were positive and wishing me well, but those negative ones are bugging my mind.
'Magh-hiatus kasi nahuli na hahahahaha iba ka girl!'
'Sana hindi na bumalik yan'
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Teen FictionAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...