Chapter 25
“You need to be ready na, Rae. By next month ay magsisimula na ang filming ng teleserye mo,” ate Perry reminded me. “Script reading will take over by the end of this month.
Tumango naman ako. “After nitong magazine shoot ay wala na akong sched diba, ate?”
“Yup. Free ka for the next two weeks. You can take a vacation if gusto mo. Sabihan mo lang ako and ako na bahala.”
“No thanks, ate. Baka sa bahay na muna ako nila mommy,” I declined.
Napatitig sa akin si ate Perry at napabuntong-hininga. “Sure ka bang ayos ka lang? Kung wala kang work ay nananatili ka lang sa condo mo.”
Tumawa ako. “Okay lang ako, ate. Mas gusto ko lang talaga magpahinga.”
“Gusto mo bang bumisita sa Antra?”
Natigilan ako saglit sa tanong niya. Tiningnan ko siya at nginitian. “No need, ate. Sa bahay na lang ako.”
Bago pa man makasagot si ate Perry ay bumukas na ang pinto ng dressing room at tinatawag na ako para sa photoshoot. Nang makalabas ako ay sakto ring palabas na si Kit mula sa kabilang room. This will be our last shoot promotion kaya talagang nilo-look forward ito ni Kit kasi gusto na nitong magpahinga.
“Anong gagawin mo after nito? Any plans?” he asked me.
I shook my head. “Plano ko lang magpahinga kila mommy.”
Pumwesto kami sa naka-set up na backdrop sa may gitna. Agad na lumapit samin ang mga stylist para ayusin ang suot namin. I'm currently wearing a wine red bodycon dress that hugged my body perfectly. They put my hair into a sleek ponytail and made me wear some jewelries that suit my dress. Si Kit naman ay naka-suit and tie na katulad ng kulay ng sa akin. His hair was pushed back and his tie was a bit loose.
“Boring,” he commented and pouted. “How about date tayo bukas?” he teased that made the stylists around us giggled.
I playfully rolled my eyes. “That's enough for your fan service, mister.”
The photoshoot was smooth. I was already comfortable with Kit kaya naging madali samin ang mga pose na pinapagawa. It's a bit intimate since iyon ang theme ng shoot. May isang pose pa na sobrang lapit ng face namin, we had to force ourselves not to laugh. Itong si Kit ay pasimple pa akong kinikiliti sa bewang kaya napapatawa tuloy ako!
“May get away kami nila Syd. Somewhere in Baguio lang, 5 days. Sama ka, ate,” nakasunod na naman siya sa'kin after ng shoot.
“Get away niyo 'yon, hindi naman ako kasali.”
“Kaya nga isasali kita,” sabi pa niya.
“Gusto ko magpahinga, Kit,” tanggi ko at pumasok sa dressing room ko at ang makulit na artista ay sinundan ulit ako.
“Makakapagpahinga ka rin naman sa Baguio, ate. Malamig doon! Sumama ka na.”
“Malamig din naman sa bahay, may aircon naman sila mommy.” Naupo ako sa tapat ng mirror. “Alis ka na, magbibihis na ako.”
“Hindi ako aalis hangga't 'di ka papayag na sumama samin.” He sat down on the sofa and stubbornly crossed his arms like a child.
“You're so mature, Kit Derello,” I shook my head. Mukhang wala talagang balak umalis ang isang 'to kaya napabuga na lang ako ng hangin. “Fine. Sasama na ako.”
He looked at me and smiled widely. “Talaga? Sabi mo 'yan ah!”
“Oo nga,” sabi ko. “Can you please go now?”
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Teen FictionAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...