Chapter 2
“Congratulations, Dos and Beatrice!”
They cheered and clinked our glasses together as we celebrate the wrapped up party of my movie with Kit Derello.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant. The director rented the whole place to treat us for our hard work during the production process of our movie for the last 16 weeks. And of course, to show my gratitude, I prepared small gifts for all the staffs and crews. I even got one for Kit.
“Thank you so much, everyone! For your efforts and guidance throughout the filming process,” I said when it was time for us to give our final message. “This movie will be a success, I am claiming it!”
Nagkunwaring nagpupunas ng luha si Kit sa tabi ko at pabiro pang humikbi. “Nakakaiyak naman 'to oh.”
Nagtawanan ang lahat sa kaniya. Mapagbiro at madaling pakisamahan talaga si Kit. Kaya bentang-benta 'to sa madla eh, lalong lalo na sa mga may edad na. Bagay lang talaga sa kaniya na matawag na Nation's Son-in-law.
“On serious note, maraming salamat po talaga. Especially kay direk na malaki ang tiwala sa 'kin na maisabuhay ko si Dos. Thank you rin sa staffs and crews na siyang vital sa project na ito. And of course, sa leading lady ko na nasa tabi ko ngayon...” Kit then looked at me and winked playfully. Mahina akong natawa.
“Thank you, ate Rae kasi ginabayan mo ako. Also, sa manager kong si kuya Lloyd. Sobrang thank you, love you sagad po.” Tinuro niya ang manager niya na nakaupo sa isang table. Tumayo pa ito at binigyan pa ng flying kiss si Kit na pabiro ring sinalo na siyang nagpatawa sa amin.
“At sa entertainment naming dalawa, Stardome Ent, thank you so much po for trusting us with this project. We will continue working hard po,” dagdag pa niya at sumulyap sa akin. “Oh, ate Rae, alam mo na kung ano sasabihin sa speech mo sa AASA ah.”
Napuno ng tawanan at halakhakan ang resto dahil kay Kit. Hindi na rin namin pinatagal ang pagbigay ng message at nagsiupo na sa table namin para ipagpatuloy ang kain.
The place was lively because of the loud chitchats. Kaniya-kaniyang kwento sa bawat tables sa loob, at syempre sa table namin ay si Kit ang bumibida. Tamang kinig lang ako habang inuubos ang food.
When I was done eating, saglit akong nagpaalam para maghugas ng kamay. Nanatili ang ngiti sa labi ko habang tinutungo ang restroom ng resto. Pumasok din ako agad sa isang cubicle dahil bigla akong naiihi. I heard someone went inside pero hindi ko na 'yon pinansin at ni-flush na ang toilet.
I went outside the cubicle at nagtama ang paningin namin ni Lianne sa malaking mirror ng restroom. She's one of my co-stars sa movie na ito. Nag-ngitian kami at tumabi naman ako sa kaniya para makapag-hugas ng kamay.
“Congrats, Rae,” panimula niya. “Next week na ang AASA, right?”
“Uh, yes,” ngiti ko.
“You must be excited.” Naglalagay siya ng foundation sa mukha niya. “Ready ka na?”
I nodded happily. “Everything is ready na. Hinihintay ko na lang talaga ang araw na 'yon. It's one of my dreams.”
“Oh, really?” She got interested that she paused from opening her lipstick to look at me. “I wish you luck then.”
“Thank you, Lianne.”
“I just hope nothing will happen that day 'no?”
“What do you mean?”
Pinanood ko siyang mag-apply ng red lipstick sa harap ng salamin. Saglit niyang pinagdikit ang mga labi bago nilagay ulit sa pouch niya ang lipstick. 'Tsaka siya muling bumaling sa akin.
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Teen FictionAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...