Chapter 10
Lucho was right. Mas doble ang dami ng tao sa resort ngayon. He told me na every Friday daw talaga na may pa-event 'yung resort. Live band at foam party daw sabi niya.
At gaya ng sinabi ko sa kaniya kanina, nanatili ako sa tabi niya. He was helping decorating the venue at ako ay tahimik lang na nanonood. 'Yung mga empleyado ay napapatingin sa akin at mukhang nakikilala ako. Wala kasi akong dalang sunglasses kaya kitang-kita buong mukha ko. I was bothered pero sabi naman ni Lucho ay wala silang gagawin na ikakapahamak ko.
Funny how his words can assure me immediately.
“Lucho, patulong nga ako rito...”
“Kulang ng lights dito, Lucho.”
“Paabot nga nung banderitas, Lucho.”
Walang reklamo na tumutulong itong kasama ko. Minsan pa ay nagbibigay siya ng suggestion sa designs. At mukha close pa niya lahat ng mga empleyado dahil komportable lang silang nag-uusap sa isa't isa.
It was getting awkward for me na walang ginagawa. Kinalabit ko tuloy si Lucho na inaayos ang table cloth ng isang lamesa.
“Can I help?” pabulong kong tanong.
Lumingon-lingon naman siya sa paligid at namataan niya ang isang lalaking empleyado na may ginugupit na mga foil. Nilapitan niya iyon at hindi ko narinig ang sinabi niya sa lalaki.
“Eh trabaho ko 'to, Lucien!” rinig kong sabi ng kausap niya. “Ito na nga pinili ko tas aagawin mo pa?”
“Maghanap ka ng ibang trabaho doon. Tumulong ka magbuhat ng mga upuan.”
Naglakad na pabalik sa kinaroroonan ko si Lucho, bitbit ang isang box. Nilapag niya iyon sa harap ko at doon ko nakita ang mga foil na ginugupit nung lalaki. I think it was for the confettis.
“Kaya naman pala! Hayop ka, Lucho, pumoporma pala!” pang-aasar nung lalaki nang makita kami. When I looked at him, umamo bigla ang mukha niya at ngumisi sa'kin. “Hi, miss!”
Binalingan siya ng tingin ni Lucho. “Shut up.”
Nginisihan lang siya nung lalaki bago umalis para maghanap ng gagawin. Ako naman ay kinuha ang gunting na nasa box at tinitigan muna iyong mga ginunting nung lalaki para magaya ko.
“Ingat..” paalala ni Lucho nang makitang nagsisimula na akong mag-gunting.
Ngumiti lang ako at nagpatuloy. Paggugunting lang ang ginagawa ko at umabot pa ako ng ilang oras sa dami ng colored foils. Si Lucho naman ay lumilibot sa venue para tumulong at bumabalik lang sa gawi ko para ako naman ang kumustahin.
“Water,” alok nito at nilahad ang isang bottled water. “May biscuits din.” Naglapag din siya biscuits sa lamesa sa tabi ko.
“Thank you..” ngiti ko sa kaniya.
Binaba ko ang gunting para uminom at kainin ang bigay niya. Naupo naman siya sa tabi ko at ininom ang sariling tubig niya.
Sa tagal kong nag-gunting, hindi na ako nagtaka na namamanhid ang kanang kamay ko. Tiniis ko ang sakit nang buksan ko ang bottled water. Habang kumakain ng biscuits ay pasimple kong minamasahe ang mga daliri ko.
The venue was almost done. May stage sa gitna at naka-set up na ang mga ilaw para doon. May mga tables sa mga gilid para sa pahingahan ng mga dadalo. Nasa open space lang itong venue at ang stage ay nakaharap sa dagat.
“Anong banda ang tutugtog mamaya?” I asked.
“Local band ng Isla Antrades, Game Over.” Napansin kong sumulyap siya sa kamay ko kaya napatigil ako sa pagpisil doon.
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Teen FictionAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...