Chapter 12

28 5 0
                                    

Chapter 12




In this world, there was always this privilege when it comes to looks.

As long as you got the looks, you've got nothing to worry about. Na para bang ang panlabas na anyo mo na lang ang magiging daan mo patungo sa tuktok. Na kahit ano mang talento mo, kung hindi ka pasok sa beauty standards na sinasabi nila, wala kang pwesto sa mundong ito. It was an unfair discrimination that was always overlooked.

At kahit ako ay naranasan iyon. When I was a kid, I couldn't call myself beautiful. With my boba eyes, small nose and pouty lips, basing on the society's so called beauty standard, I am considered as average.

Unang pasok ko pa lang sa industriya ay nahirapan ako. Dahil imbes ang talento ko sa pag-arte ang pagtuonan nila ng pansin, mas pinuna nila ang itsura kong wala namang ginagawa sa kanila.

Looking back, ang dami kong binago sa sarili ko para lang makarating sa tuktok. It took me a lot of changes before I was called as the Nation's Sweetheart.

And seeing these fine men, showcasing their talents and looks, hindi ko maiwasang mainggit. Paniguradong malayo ang mararating nila kapag napunta sila sa mundong ginagalawan ko. People like them will be praised a lot.

I sighed softly and unconsciously glanced at Lucho na nakabalik na galing sa pagkuha ng inumin. Akala ko pa nga ay alak na naman, pero bumalik siya na may dalang dalawang bottled water.

Pinanood ko siyang nakatuon ang tingin sa nagpe-perform na banda. Nang umihip ang hangin ay marahang gumalaw ang buhok niya na agad niyang inayos. Binasa niya ang labi at bumaling ang tingin sa'kin, saglit pang natigilan nang makasalubong ang tingin ko.

“What? You need anything?” tanong niya.

This guy is pretty handsome too. Bakit hindi niya pinasok ang entertainment industry? He can surpass those models I've worked with!

“Lucho, what's your dream?”

Nangunot saglit ang noo niya, hindi inaasahan ang tanong ko.

“In life?” paglilinaw niya na tinanguan ko. Saglit nanaig ang katahimikan bago siya sumagot. “Typical dream of someone like me. Makapag-aral, makapag-tapos, at magkaroon ng stable na trabaho. Natupad ko naman na lahat.”

“Nothing else?”

Muli siyang natahimik at umiwas ng tingin. “Wala na...”

I envy him. Kontento na siya sa nakamit niya habang ako ay naghahangad pa.

Pinasok ko ang showbiz nang walang maipagyabang kundi ang talento sa pag-arte, ngunit kahit iyon ay hindi pa sapat. Gusto kong mas umangat pa, dahil hindi ka mabubuhay sa mundong iyon kung kuntento ka nang nasa baba ka.

“Ikaw?” hindi ko inaasahan na magtatanong din siya sa'kin.

Nahihiya akong ngumiti at marahang umiling. “I can't say it's a dream. It's more like greediness.”

“Ano naman? Pangarap mo naman 'yan.”

Mahina akong natawa at pinaglaruan na lang ang yelo na nasa basong hawak ko.

“Gusto ko pang umangat,” nahihiyang sabi ko at sumulyap sa kaniya para tingnan ang reaksyon niya. “Masyadong sakim diba? Hindi ako marunong makuntento.” Sinamahan ko iyon ng tawa.

“Wala namang mali do'n,” he said. “Maliban na lang kung sa maling paraan mo iyon kakamitin.”

Mapait akong umiling. “Mali 'yon sa pananaw ng iba. Sasabihin nilang dapat makuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon.”

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon