Chapter 1

75 9 26
                                    

Chapter 1



Ever since I started my acting career, ilang beses na rin naman ako na-nominate at nanalo ng mga awards. Not to brag, but I was one of those actresses na hindi umuuwing walang awards sa mga award show na I've attended. Those awards serves as a reminder that I am doing well on this path that I chose.

Pero ang ma-nominate at may chance pang manalo sa award ng AASA? It was a dream come true!

Mahirap ang makapasok sa standards of nominees ng AASA dahil mga veteran actors and actresses lang ang nakakapasok do'n. And to think na isa ako sa mga nominees, gusto ko na lang magpagulong-gulong sa sahig. Hindi ako makapaniwala!

"Congratulations, my Asraelle! I'm so proud of you, anak! Are you happy?"

Days after ate Perry told me about my nomination, my entertainment posted a confirmation for the public. Dahil doon ay dinadagsa ang inbox ko ng mga congratulatory messages kahit wala pa naman. Nakakatuwa at nakakataba ng puso.

I chuckled at my mom's excited voice from the phone. "I am more than happy, my."

"Of course, you are! It's your dream! Hindi talaga ako papayag na hindi kami makaka-attend ng daddy mo sa event." Then I heard her calling daddy. "Rafael! Free your schedule sa araw na iyon!"

"Mom, don't force dad. Busy po 'yan."

"Well, I don't care," pagmamaldita ng ina ko na ikinatawa ko. I then heard my dad's laughter from the other line, followed by his voice. "I freed my schedule already, baka palayasin ako ng mommy mo, anak."

Iilang kakilala ko sa industriya rin ang bumati sa akin matapos lumabas ang article ng entertainment ko. Isa na ro'n ang kapares ko sa movie.

"Congrats, ate Rae! Nakita ko 'yung article about your nomination. Naks, AASA nominee!"

Ngumiti ako kay Kit habang parehas kaming inaayusan. We're currently at the studio to shoot our couple magazine cover. It was one of the strategies para ma-promote ang upcoming movie naming dalawa.

"Huwag muna batiin, baka mausog," natatawang sabi ko.

"Hindi 'yan! Iwawagay mo dapat bandera ng Stardome Entertainment sa araw na iyon," aniya pa na nagpatawa sa 'kin.

Everyone in the company also congratulated me. Hindi naman na bago sa kanila na may ma-nominate sa AASA na galing sa entertainment. It was just that the last time na may nanalo sa AASA na actress sa entertainment namin ay 4 years ago pa, noong nandito pa si ate Gretel na siyang naging pride ng Stardome.

That is why I am a bit pressured now that I might be the next title holder. I look up to ate Gretel a lot. Halos kasabayan ko rin siya sa pagpasok sa industriya pero mas malayo ang narating niya ngayon. As far as I know, sa Los Angeles siya naka-based ngayon.

"May theme ba na susundin, ate Pers?" I curiously asked my manager after the photoshoot. "Do I have an outfit na?"

Ate Perry chuckled, siguro napansin ang excitement ko. "Formal attire, Rae. And yes, may susuotin ka na. The stylist chose it for you, you'll love it."

The event is still a month and few weeks away from now. Pero alam kong mabilis lumipas ang mga araw kaya mas kinakabahan ako!

Dinaldal ko si ate Perry habang naglalakad patungo sa naka-abang na artist van. Hindi kasi talaga ako matahimik habang iniisip ang mangyayari sa paparating na AASA.

Natigil lang ako nang magtagpo ang tingin namin ni Lucho. Nakatayo ulit ito sa gilid, suot ang usual outfit niya na white dress shirt underneath his black suit. Pinapanood niya kaming naglalakad ni ate Perry habang nakapamulsa. Awtomatiko akong ngumiti.

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon