Chapter 26

16 4 0
                                    

Chapter 26





I stared at my phone where his number was flashing on the screen. Pagkatapos ng nasaksihan ko kanina ay kating-kati na akong pindutin iyon.

So his number is still working. Bakit hindi niya man lang ako nagawang tawagan man lang? Is he purposely ignoring me?

Nagawa niyang tawagan si Yena na kaibigan niya. Why can't he call his girlfriend? Why can't he call me? Did we break up? Gano'n na lang ba 'yon? Am I... nothing to him now?

Sobrang sakit isipin nu'n. Nandito ako, nag-aalala at nangungulila sa kaniya pero siya ay hindi man lang ako nagawang kamustahin man lang. I know it was my fault for leaving, but do I have a choice? He wasn't even present that time.

Sobrang nakakatampo na wala man lang siyang paramdam sa'kin na para bang walang nangyari.

Bago pa ako tuluyang malunod sa kalungkutan ay pinilit ko na ang sarili ko na mag-ayos para makatulog. Wala rin namang mangyayari kung tatawagan ko siya. Paniguradong hindi niya iyon sasagutin. Gaya ng ginawa niya noong mga panahong kakabalik ko lang sa Manila.

“Anong oras pa, Kit!” reklamo ko kinabukasan nang manggising na naman siya.

“Magbihis ka na! Kailangan natin maabutan 'yung sunrise!”

Wala naman akong magawa dahil hindi tumatanggap ng hindi ang isang 'to. This guy is even pressuring me by saying ako na lang ang hinihintay. Nagmamadali tuloy akong magbihis.

I just wore a simple maroon hoodie and a black skinny jeans. I paired it with my white shoes and put my hair into a low ponytail. Nagsuot na lang din ako ng isang white bull cap to complete my look.

“We're going to see the sunrise at Mines View Park,” anunsyo ni Oli habang nasa sasakyan na kami. Siya ang nasa driver's seat dahil siya ang designated driver ngayon.

“Ang aga aga pa, 4AM pa lang!” ungot ni Art. “Late akong natulog kagabi inaantok pa ako!”

“Ano ba ginawa mo kagabi?” asked Yena.

“Late night talks sila ni Mr. Model niya,” si Kit na may gana na namang mang-asar.

“Imbento ka! Daig mo pa yung katrabaho ko na ang galing gumawa ng fake news!” balik sa kaniya ni Art. “Siya rin gumawa nung article na may rumor ni ate Rae, muntik ko na nga sugudin! Mabuti na lang at pinanagutan siya ng management niyo.”

“Art,” saway ni Sydney at sumulyap sa akin.

Napatikom ng bibig ang babae at tumingin sa akin. “Hala, sorry ate.”

Nginitian ko lang siya para hindi siya mag-alala. Wala naman nang kaso sa'kin ang nangyari noon. Siguro nandito pa rin 'yung bigat pero alam ko naman sa sarili kong hindi totoo ang mga 'yon.

“'Yan kasi, madaldal masyado,” si Kit.

“'Yan kasi, pangit mo.”

“Sydney oh!”

“Quiet na, kids,” sumabat na si Oli.

Nang makarating kami sa Mines View ay naghanap na agad sila ng pwesto na kita ang sunrise. Nag-order na ang boys ng breakfast habang ang mga girls ay busy na sa pagkukuha ng litrato kahit wala pa namang sunrise.

“Dito, Syd! Picture-ran mo ako rito,” sabi pa ni Art na ginawa lang photographer ang artistang si Sydney.

Napailing-iling na lang si Yena na katulad kong nakaupo lang sa table namin. “Pagpasensyahan mo na nga pala si Art, nawalan ng preno ang bibig.”

“It's okay. It's all in the past now.” I smiled.

Nang magsimula na 'yung sunrise ay lahat kami nakatutok na roon. Nakahilera kami sa may railings at kaniya-kaniyang kuha ng litrato. I was busy taking pictures with my phone when I heard a click behind me. When I looked back, Yena was pointing her phone at me.

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon