Hi! This will be the last chapter of SWOW! Next chapter will be Lucho's Point of View!
***
Chapter 30
“Tingin dito sa camera, Rae! Ayan! Give me a maldita look! Perfect!”
Time already passed by and now I'm currently in a photoshoot para sa character poster ng new teleserye ko. The filming was already on-going at naisingit lang talaga itong photoshoot since kailangan ito kapag irerelease na ang pilot episode.
“Okay! That was great! Ang galing mo, Rae!” the photographer complimented me a lot that made me smile.
Pinakita niya pa sa akin ang mga kuha niya and it was indeed great. Pang-maldita na talaga 'yung vibe ko roon sa mga photos!
“Sya nga pala, hija. Sino iyang papable na 'yan? 'Yan ba 'yung boyfriend mo?” tanong ng photographer, may sinusulyapan sa may gilid.
I chuckled and nodded. “Yes po.” At sinulyapan din si Lucho na nakatayo lang sa may gilid at kuryosong nagtitingin sa paligid.
Ever since he came to me here in Manila, we slowly patched things up. Nag-usap na kami tungkol sa amin and slowly inaayos na namin ang mga mali naming nagawa noon.
At pinag-usapan na rin naman namin ang work ng isa't isa. Minsan ay umuuwi siya sa Antra dahil nga inaasikaso niya ang resort at si tatay Lucho, kapag free naman ay dumidiretso siya sa'kin. Ngayon ay rest day niya at sinabihan ko na siyang manatili na lang sa Antra pero hindi nagpatalo ang lalaki at talagang sumama pa rito sa trabaho ko.
After talking with the photographer, lumapit na ako kay Lucho. Napatingin din naman siya agad sa akin at agad na humawak ang isang kamay niya sa may likuran ko nang makalapit ako.
“Ano sunod mong sched?” tanong niya.
Inalala ko naman 'yung mga sinabi ni ate Perry kanina. “Pupunta na ako sa set para sa shooting, pero mamaya pa namang 2PM.”
“Okay. Lunch with me?”
I smiled. “Sure!”
Nagbihis lang ako saglit sa dressing room bago umalis kasama si Lucho. He brought a car with him, na hindi ko alam kung saan nanggaling. Doon kami sumakay at nag-drive na siya patungo sa isang restaurant.
Hinayaan ko lang na siya ang mag-order dahil biglang tumawag si ate Perry to remind me about the shooting mamaya. Minsan na lang kasi siya nakakasama sa'kin since she's handling other talents now. Pero hindi naman niya ako napapabayaan.
“Hanggang kailan 'yung shooting mo mamaya?” he asked while we're eating.
“Until midnight ata, love. I'm not sure, baka mag-extend pa 'yon. Depende pa sa scenes..”
He nodded. “Pwede ba akong sumama?”
“Matagal matapos ang shooting, baka mabagot ka lang doon kakahintay. You can wait for me sa condo naman,” I told him.
“How about sasama lang ako sandali tapos kapag inantok ako ay uuwi ako sa condo mo?” he negotiated na tinanguan ko naman.
Gano'n nga ang nangyari. Sumama siya sa'kin sa set at halos pagkaguluhan pa siya nang makitang kasama ako. Nakakatuwa nga na may nag-offer pa sa kaniya na mag-artista but he politely declined.
Habang nags-shooting ako sa mga scene ko ay nakamasid lang siya behind the camera. Kinabahan pa nga akong umarte kasi nanonood siya at mukhang napansin niya 'yon kaya umiiwas siya ng tingin na may ngiti sa labi.
“Heather..” mahinang pagtawag niya sa'kin nang mag-anunsyo ang direktor ng break. “It's 11 already, hindi pa kayo tapos?”
“May scenes pang natitira. Why? Inaantok ka na?”
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Teen FictionAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...