Chapter 22

21 4 0
                                    

Chapter 22



You are no one when your name doesn't ring the bell.

That's what I know if you're in the entertainment industry. That's why you really have to work hard in order to create your own name.

Now that I heard Lucho's view about it, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na babalik na ako sa mundo ko at balak ko siyang isama. I don't want to decide for himself.. pero natatakot din akong tanungin siya.

I was still standing at the door. Iba naman na ang pinag-uusapan nilang dalawa sa loob kaya hinayaan ko na muna na dumaan ang ilang minuto bago kumatok at pumasok sa loob. I plastered a smile on my lips when the both of them looked at my direction.

“Saan ka galing?” Lucho stood up.

“Nagutom ako kaya bumili ako snacks,” sabi ko at nilapag ang dala sa mini table. “Dalawang buko juice lang nabili ko. I didn't know Cy's here, sorry. But we can share naman sa buko pie.”

Inayos naman ni Lucho ang binili ko. Kinuha niya ang isang buko juice at binigay kay Cy, nilagay niya naman sa tapat ko ang isa.

“Hindi ka iinom?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.

“We can share yours,” sabi naman niya sa'kin.

Cy let out a dramatic sigh after drinking his buko juice. “Grabe, ang tabang nung akin! Dahil siguro wala akong ka-share!”

Lucho had to go back to work after eating snack, gano'n din si Cy kaya umalis na rin ito sa office. Si Lucho naman ay labas-pasok sa office dahil may kinukuha siya minsan na mga papeles bago babalik sa trabaho.

Kada balik niya sa loob ay palagi niya akong tinatanong kung ayos lang ba ako.

“Okay ka pa rito? Mga lunch time pa ako matatapos.” Lucho asked again when he came back for the nth time.

Mahina akong natawa. “Yes, I'm fine. Just focus on your work. I'll wait here.”

Him, doing this, makes me want to bring him to my world now and brag about my man. But I couldn't do that easily now after what he said earlier.

“I already told my parents about us,” I told him when we ate lunch together at one of the empty cottages of the resort. “They approved.”

He smiled at that. “Pupunta raw ba sila rito?”

Saglit akong natigilan doon at umiwas ng tingin para hindi niya makita ang mga mata ko. “Wala naman silang sinabi about diyan. Pero baka nga pupunta sila.”

I saw him nodded. “Okay, sabihan mo ako agad kung kailan. Para maayos ko ang tutuluyan nila rito if ever.”

But Lucho, I'm coming back to Manila by the end of this week...

I really want to tell him that, but I was scared. I was with him the whole day and we talked about many things, but I was careful of my words. Nag-iingat ako at baka madulas ako't masabi sa kaniya na aalis na ako. I can't say it.. for now.

“Birthday ni tatay Kaloy sa Friday. Maliban sa Friday Event ay magpapa-birthday party si tatay. Pupunta ka?” he asked me while we're both watching the sun setting.

Nawala ang ngiti ko nang marinig 'yon. I have to go back to Manila that day. Pero pwede naman siguro ako humingi ng kaunting palugit diba?

I looked at Lucho and smiled. “Sige. Bibili ba tayo ng gift?”

“Sure. Kailan mo gusto?”

“Tomorrow?”

“Okay, love.”

This moment was too familiar. It was like the first time I went here to watch the same sunset. At kasama ko rin si Lucho noon. The difference is.. it's more special now. However, my heart was aching and I don't why I suddenly felt that. I just feel like.. this will be the last time I get to watch this scenery with him.

“Remember our first time watching the sunset? When I first came here?” I asked him.

“Hmm, what about it?”

“You saw me standing here and went to me. Ano ang iniisip mo tungkol sa akin noon?”

Namulsa siya at seryosong nag-isip. “Noong unang dating mo rito, naisip ko na isa ka talagang magaling na artista. You're good at masking what you really feel.”

A small smile appeared on my lips.

“Pero noong makita kitang nakatayo rito at pinapanood ang sunset. Doon ko napansin ang lungkot sa mga mata mo. Naisip ko no'n na.. kahit anong gawing tago mo pala sa nararamdaman mo, lumalabas talaga ang totoo sa mga mata mo,” marahang sabi niya. “Kaya kita nilapitan. Kahit hindi mo sinasabi verbally, nangungusap naman ang mga mata mo na isalba ka sa dilim na unti-unting bumabalot sa'yo.”

His presence indeed saved me. He was a good distraction for me not to think about what has happened. And his words never failed to open my mind about something I did not even notice in the first place. And I guess that's how I fell for him.

I looked at Lucho and watched how the color of the sunset reflects on him. He was glowing in my eyes.

“Thank you for saving me..” I whispered.

Tuluyan na siyang humarap sa akin at tiningnan ako sa mga mata ko. He leaned and placed a soft kiss on my forehead. It was so soft that it made me close my eyes. A lone tear fell from my eye.

“I will always save you,” he whispered.

God, please... I want him.

Lucho and I went home before it gets dark. We decided na sa bahay niya na this time mag-dinner. His house is just the same as the one I currently lived in. Pero mahahalata mo talagang sa kaniya 'yon because his scent is all over the house.

“Magbibihis lang ako saglit, upo ka muna riyan,” he told me and went inside his room.

Umupo ako sa sofa niya at kinalikot ang phone habang hinihintay siya. When I visit my socials, maraming nag-react sa pinost kong picture. May iilang nag-iisip na babalik na raw ako. There's no negative reaction so far.

“Anong gusto mong kainin?” Lucho went out of his room wearing a simple tshirt and black shorts. Naglakad siya papuntang kusina at sumunod naman ako sa kaniya.

“Sinigang, please,” I requested and sat on one of the stools sa island counter.

Habang nagluluto siya ay nagp-phone lang ako at minsan ay pinapanood siya. I only excused myself when I needed to pee. Nagpaalam ako sa kaniya na papasok sa banyo niya.

When I went back to the kitchen, 'tsaka ko lang napansin na iniwan ko pala ang phone ko. Naupo ako at tahimik na lang na naghintay.

“Heather..” Lucho suddenly called.

“Hmm?”

“Wala ka bang gustong sabihin sa akin?”

My brows furrowed at that. “Wala naman. Why?”

Hindi naman siya sumagot at tahimik na nagpatuloy sa pagluluto.

“Sure ka?”

“Yes, love. Bakit ka nagtatanong?” nagtatakang tanong ko.

“So that means wala kang planong sabihin sa'kin na babalik ka na sa Manila sa Friday?”

Nawala nang unti-unti ang kunot ng noo ko. Inangat ko ang tingin sa mga mata niya at seryoso naman niyang sinalubong ang tingin ko.

Alam na niya.






-

Hello, what do you think about this chapter? Kindly click the star button to vote. Your thoughts are highly appreciated so feel free to comment. Thank you! :)

saosoursea

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon