Chapter 18
“Can you please stop staring?” I asked the guy in front of me.
For the whole time I was eating, he was just watching me! Ni hindi niya nga nagalaw ang pagkain sa harapan niya! Akala ko ba kakain? Bakit pinapanood niya lang ako? I can't eat peacefully when he's like this!
“Damihan mo ang kain mo, hindi ka nag-lunch,” sabi pa niya at nilagyan ulit ng rice at ulam ang plato ko.
“Busog na ako!” tanggi ko pero hindi niya ako pinansin at kumain na.
Ugh! He's testing my patience kung kailan kakasimula pa lang ng red days ko!
Wala akong nagawa kundi ubusin ang nasa plato ko. Tahimik kaming dalawa habang kumakain at pasulyap-sulyap naman ako sa kaniya. I am wondering kung bakit ginagawa na niya naman ito kung kailan nasabi ko na sa kaniya na iiwas na ako. Gusto niya ba akong pahirapan?
Nauna akong natapos kumain kaya sumandal na muna ako sa upuan at tahimik siyang pinanood. He's only wearing a white sando and beach shorts. My eyes went to the necklace dangling on his neck.
“Seriously, Lucien. What's your deal?” I asked him.
“Kumakain pa ako.”
Napapikit na ako at kinalma ang sarili. I took a deep breath and looked away from him. Sakto namang natuon ang tingin ko sa table ng magkakaibigan. Art immediately looked away from us when she saw me looking. Nag-uusap naman 'yung iba. Si Kit ay sumusulyap pa sa gawi namin at parang kuryoso sa nangyayari.
“Tapos na akong kumain.”
Binalik ko na ang tingin ko kay Lucho nang magsalita siya. Tinabi niya ang platong ginamit at uminom ng tubig. 'Tsaka siya tumingin sa'kin nang matapos.
“Can we talk somewhere private?” tanong niya at pumayag naman ako kasi ang awkward nga kung dito kami mag-uusap sa resto.
Nagpaalam siya kila Kit. Tipid ko lang din naman silang nginitian bago sumunod kay Lucho sa labas. Silence enveloped us when we stood near the sea. The only sound we can hear is the waves crashing onto the shore and faint laughter from tourists from a distance.
“Why are you doing this?” I asked him for the nth time.
“Dahil gusto ko,” he answered.
Bumuntong-hininga ako at nilingon siya sa tabi ko. “I already told you kanina diba? Hayaan mo na akong umiwas. And now you're doing this! You're confusing me again, Lucien!”
“Don't raise your voice, please. Let's talk calmly, pwede ba 'yon?” he asked softly and glanced at me. “Pwede bang pakinggan mo muna ako?”
I took a deep breath and looked at the sea again, waiting for him to talk.
“I'm sorry if my actions made you feel that way, hindi iyon ang intention ko,” panimula niya. “To clear things out to you, matagal na kitang gusto, Asraelle.”
Naibalik ko sa kaniya ang tingin ko nang marinig ang sinabi niya. Nakatuon sa akin ang mga mata niya at parang nangungusap iyon.
“Kaso natakot ako nang mapagtanto ko iyon kasi magkaiba ang mundong ginagalawan nating dalawa.” Napailing siya at nilipat ang tingin sa harapan namin. “Kaya hindi ko masabi sa'yo. I'm not confident enough to confess to someone like you. Masyado kang mataas sa paningin ko, ma'am.”
“I tried to stop feeling this way. Kaya nga pinilit ko pa si Yena noon na gawing two weeks every two months lang schedule ko bilang bodyguard mo kasi ayaw kong mas lumalim pa 'to. I was even confident na mawawala rin 'yon kasi akala ko normal lang talaga na magkagusto sa isang artista.” He chuckled as if he remembered those moments. “Pero.. iba ka eh. Imbes na huwag kang isipin, hinihintay ko pa ang araw kung kailan schedule ko na bilang bodyguard.. para makita ka na ulit.”
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Teen FictionAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...