Chapter 3

36 7 4
                                    

Chapter 3




I immediately put a smile on when I went outside the van. Mas lalong lumakas at dumami ang flashes ng cameras pero nanatili akong nakangiti at minsan pang kumakaway. Napansin kong para umaagresibo ang mga reporters at journalists to the point na kinakailangan na akong palibutan ng mga bodyguard ng AASA.

Akala ko normal lang 'yung gano'n. Pero mas naguluhan ako nang may narinig akong sumigaw.

“Gaano ka-totoo na inakit mo ang founder ng AASA para masali sa nomination?”

Hindi ko alam ang gagawin kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa venue. Hindi rin mawala sa isip ko ang narinig kanina. Hindi ko maintindihan.

“Rae Herrera?”

Lumingon ako at nakita ang isang staff ng AASA. Tumango ako at ngingitian na sana siya nang mapansin ko ang kakaibang tingin niya sa akin. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa like she was questioning my existence.

“Pasok na lang kayo,” kapagkuwan ay sabi niya.

Iginiya niya ako papasok mismo sa gitna na kung saan ang tables ng mga artist na invited. I was nervous while walking dahil napapatingin sa akin halos silang lahat. May iilang nginingitian ako pero mas lumalamang ang mga napapatingin sakin na para bang... may mali sa akin.

Some artists would even whisper to each other while glancing at me. And it was making me... uncomfortable.

Fans are also allowed inside the venue, at mas lalo akong naging kabado dahil medyo humina ang sigawan nila nang makapasok ako. It was replaced by whispers.

Tahimik akong umupo sa table kung saan ako naka-assign. May tatlong artists akong kasama sa table na iyon. I smiled at them at sinuklian nila 'yon ng hilaw na ngiti na para bang napipilitan lang sila. At nag-usap sila na para bang wala ako roon.

Unti-unting napawi ang ngiti ko. I looked down on my hands and pinched my palm instead. Siguro ay nababaguhan lang sila sa akin 'no? Sabagay, this was my first time attending AASA, at mostly sa mga artist na nakikita ko ngayon ay nakailang punta na.

Inaliw ko na lang ang sarili ko sa paglilibot ng tingin sa buong venue. May isang malaking stage sa harapan namin ngayon na may malilikot na ilaw. Iilang tables din ang nandito sa may gitna kung saan nakapwesto ang mga artist na katulad ko. Cameras were everywhere also since magiging live itong event. Nakapalibot din sa place ang ibang tao na gustong manood in person.

Then I remembered my parents, sabi nila pupunta sila!

I was busy looking around to look for them when I noticed some stares of the artists were full of judgment while looking at me. Kapag sinusubukan ko namang ngitian sila ay nakangiwi silang iiwas ng tingin na parang nandidiri.

I started feeling small. Ganito ba talaga ang AASA? Bakit... bakit parang kakaiba? Bakit parang pinaparamdam ng tingin nila na hindi ako nababagay dito?

What... did I do?

Bigla na lang ay lumakas ang bulungan sa paligid. Pag-angat ko ng tingin ay saktong nasa akin nakatutok ang camera at pinapalabas iyon sa big screen. I tried to smile at doon ako nakarinig ng iilang salita.

“Grabe, nagawa niya pa talagang ngumiti.”

“I can't believe she would go to that length para lang makasali sa nominees!”

“Nation's sweetheart pero may tinatagong baho!”

“The audacity of her to show up here kahit kalat na kalat na ang ginawa niya!”

My heart was beating rapidly. Naguguluhan ako sa mga naririnig ko. Ako ba ang tinutukoy nila? Malamang ako 'yon, sa akin ang tingin nila eh. Ano ba ang ginawa ko? Napuno ng katanungan ang isip ko.

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon