Chapter 11

24 5 0
                                    

Chapter 11





Sa industriya na ginagalawan ko, halos lahat ng nakakasalamuha ko ay may mga hitsura. Lalo na ang mga lalaking artista na ang iilan pa ay naging partner ko na sa mga palabas.

Seeing handsome faces was nothing new to me. But how come his pair of black hooded eyes, perfect shaped brows, pointed nose, and thin lips can make my heart thump!? What is happening?!

The venue was crowded when we got inside. Sa sobrang daming tao ay hindi pa nga nagsisimula 'yung event ay sobrang ingay na agad ng paligid. I had to squeezed myself sa crowd para masundan si Lucho.

“Dito ka,” sabi pa nga ng lalaking 'to at hinawakan pa ang braso ko!

Nanahimik tuloy ako habang marahan niya akong hinihila. Siya ang nakipagsiksikan para mabigyan ako ng daan. I can't help but stare at his large frame.

This guy.. hindi naman siya ganito noon sa Manila ah!

“Mabuti naman at dumating ka na! Kating-kati na akong maghanap ng chiks pero nauudlot dahil pinagbabantay mo ako ng table!” A familiar voice exclaimed.

Sumilip ako sa likuran ni Lucho at nakita 'yung lalaki kanina. I think his name is Cy, base sa narinig ko.

He was wearing a tropical polo and black beach shorts. His hair was a bit wavy at magulo iyon pero dumagdag lang sa dating niya. Nakaupo siya sa isang chair. Napaiwas ako ng tingin dahil nakabukas ang lahat ng butones ng polo niya at wala siyang damit sa loob. His features were rough at mukha siyang playboy.

“Hello, miss Ganda..” he waved at me and smirked.

Ngumiti lang ako sa kaniya. Pamatay 'yung ngiti niya. I'm pretty sure marami na itong napaiyak na babae.

“Pwede ka nang umalis,” masungit na saad ni Lucho.

“What? Dude! Wala man lang thank you?”

Inalalayan ako ni Lucho na umupo sa chair at umupo sa tabi ko, hindi pinansin si Cy na hindi makapaniwalang nakatitig sa kaibigan. I'm assuming they're friends.

“Thank you,” ngiti ko kay Cy. Ako na nagsabi dahil mukhang walang balak itong katabi ko.

Dumako sa'kin ang tingin ng lalaki at iyon na naman ang ngisi niya. “Basta ikaw, miss Ganda. Ang ganda mo na nga ang bait mo p–”

“Umalis ka na,” putol sa kaniya ni Lucho.

“Can I have your number–”

Tumayo na itong katabi ko at masama na ang tingin sa kaharap. Instead of getting scared, Cy laughed so hard like he was enjoying this.

“Delikado ka na, Lucien bro..” aniya at tinapik pa ang balikat ni Lucho. “Alis na ako, miss Ganda. Baka may lumipad pa na kamao kapag nagtagal ako dito eh.”

Hindi ko naman siya gets kaya tumango lang ako at kinawayan siya. Naupo na ulit si Lucho at may sinenyasan. Ilang saglit pa ay may lumapit na sa table namin at naglapag ng drinks at snacks.

“Do you drink? Margarita 'yan,” sabi ni Lucho.

Of course I drink. Pero hindi naman araw-araw. Umiinom lang ako every gathering o 'di kaya kapag nasa mood ako. Tinikman ko ang margarita at napangiwi. I prefer wine though.

Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang nachos and dip para mawala ang lasa ng alak. Itong katabi ko naman ay palinga-linga sa paligid habang sumisimsim ng alak. He was roaming his eyes as if he's making sure there is no threat around. No wonder he was qualified as my bodyguard.

“May pupuntahan lang ako saglit,” paalam ni Lucho at nakipagsiksikan sa mga tao sa gitna.

Baka gustong makisayaw. Tss.

“Ladies and gentlemen! Nage-enjoy na ba ang lahat?!” nangibabaw ang tinig ng emcee na nakatayo sa gitna ng stage.

Naghiyawan ang mga tao.

“Alright! Hindi na natin patatagalin pa, ngayon ay nandito na ang highlight ng araw na ito!” At nagsigawan ulit sila. “Let us all welcome.. Game Over!”

Hindi na ata naubusan ng boses ang mga tao kakasigaw. Halos magkagulo na sila nang umakyat sa stage ang apat na matatangkad na lalaki. They were all wearing a white tropical polo and black shorts. Lahat sila ay may damit pang-loob maliban sa drummer nilang lantad ang pang-itaas. Mas lalong nagsigawan ang lahat.

“Mic check..” the front man's deep voice echoed. His features were soft, para siyang hindi nakakabasag pinggan. Agaw-pansin pa ang mga mata nitong kulay tsokolate.

Sunod akong napatingin sa lalaking inaayos ang hawak na guitar, I think he's the lead guitarist. Chinito ito at naka-perm ang buhok. Para siyang koreano. The man holding a bass guitar has the roughest feature among them. Mukha siyang palaging nakikipagbasag-ulo at buzz cut pa ang kaniyang buhok. And of course, the drummer. He has the aura same as Cy, maloko at mukhang babaero. A boyish grin was plastered on his lips as he roamed his eyes around. At ang mas nakakadagdag ng appeal niya ay ang may pagka-berde niyang mga mata.

These men can surely secure a spot at the top with just their looks. Paanong hindi pa sila nadidiskubre ng buong bansa?

“So.. tonight, we will be performing 5 songs. And as we perform, I hope you guys will enjoy,” sabi nung front man. What caught my attention was his aussie accent. “The first song that we will perform is Slow Down by Chase Atlantic, jam along with us if you're familiar with it.”

I shifted on my seat as they started to play the song. The guitars were played first at hindi ko maalis ang mata sa malilikot nilang kamay na alam na alam ang gagawin.

Tell me what it is you wanna know
Finish up the bottle then we'll go, babe
Waste a little money on some blow
She said, "Won't you have a little?"
I said, "No way"

God. Ngayon ay sa front man na ang tingin ko dahil nanghihila ng atensyon ang boses niya. Hawak nito ang microphone at mapungay ang mga mata na kumakanta. His aussie accent was adding fuel to the fire!

I'm too phased, it's too late
But coming down is all I ever do, babe, yeah
And I'm so down if you're ready
I'm floating but I'm heavy
And I'll show you if you let me, girl

Sa sobrang tutok ko sa Game Over, hindi ko naramdaman ang pagbalik ni Lucho. Napansin ko lang siya nang tumikhim siya nang ilang beses na parang inaagaw ang atensyon ko.

Napalingon tuloy ako sa kaniya. His arms are crossed on his chest while his brows furrowed. Nakasandal siya sa inuupuan at tinaasan ako ng kilay.

Sungit...

Na gwapo. Shit.

Hindi ko na siya magawang kausapin dahil naagaw ulit ng Game Over ang atensyon ko. The song hits the chorus that made everyone go wild.

I don't know if you already know how
But girl, I got the feeling that you know now
You're buried in the pillow, yeah you're so loud
But I'm about to show you, baby, slow down

“Heather...” At hindi talaga nagpatalo itong katabi ko.

“What?”

Hindi siya sumagot kaya napilitan akong alisin ang tingin sa harap para ilipat sa kaniya. Masama na ang timpla ng mukha niya at nakatingin na sa baso na nasa lamesa.

“Bakit?” I asked him.

“Magagaling?" he asked back, probably pertaining to the men performing.

“Sobra! How come hindi pa sila nirerecruit ng isang music label?”

“Punta ka sa stage, itanong mo.”

Nangunot naman ang noo ko sa sagot niya. Napakurap siya at umiwas ng tingin at tinungga na lang ang natitirang laman ng baso na kanina niya pa hawak.

“Kukuha lang ako ng maiinom,” he said and left again.

Mas lalong akong naguluhan. Uhaw na uhaw?





-

Don't chase men, chase atlantic! Hello, what do you think about this chapter? Kindly click the star button to vote. Your thoughts are highly appreciated so feel free to comment. Thank you! :)

saosoursea

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon