Chapter 15
"Tara na.. malamig na masyado ang hangin."
Mula sa karagatan ay nilipat ko ang tingin sa papalapit na si Lucho. Tapos na ang event at tumulong pa siya sa pagligpit saglit kaya pinaghintay niya ako rito.
"Si Cy?" tanong ko nang matanaw ang lalaki na nakatayo sa 'di kalayuan at busy sa cellphone.
"Hayaan mo siyang manigas diyan."
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Mukhang close naman sila pero bakit ganito siya makapagsalita tungkol sa kaibigan niya? Pero dahil pinaasa ako ng Cy na 'yon, hahayaan ko na muna sa ngayon.
After bidding good bye to everyone, naglakad na kami palabas ng resort. Magma-madaling araw na pero dahil kakatapos lang ng event ay medyo marami pang tao sa labas na pauwi pa lang.
Good thing may dala akong jacket kasi ramdam ko ang lamig ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Pero itong katabi ko ay parang wala lang 'yung lamig dahil wala man lang siyang suot na jacket man lang.
"Aren't you cold?" tanong ko.
"I'm good. Sanay na ako sa lamig," he replied.
Tumango naman ako at nanahimik ulit. Nag-iisip na ako ng panibagong topic namin dahil ang awkward kapag walang nagsasalita samin. O baka ako lang na a-awkward-an kasi wala naman siyang pakialam sa'kin?
"I'm suddenly curious.." panimula ko. Naramdaman ko naman ang pagbaling ng tingin niya sa'kin. "Do you have a girlfriend?"
Suddenly curious, my foot. Gusto mo lang naman malaman kung may chance ka o wala, Asraelle!
"Wala, I'm single," he answered.
"How about someone you like as of the moment?"
Doon siya hindi nakasagot agad. Palihim naman akong tumigin sa kaniya at diretso lang ang tingin niya sa dinadaanan namin, seryoso ang mukha.
Kapagkuwan ay nagkibit-balikat lang ito. "Bakit mo natanong?"
"Curious nga ako." I shrugged. "Fresh graduate ka, wala ka bang naging girlfriend sa FEU?"
"Busy ako sa pag-aaral noon kaya wala sa isip ko 'yan."
Eh ngayon kaya? Kinagat ko na ang dila ko at baka may masabi pa akong ikakapahamak ko. But is he really serious na wala siyang naging girlfriend? O kahit flings man lang? Sabagay, Lucho seems to be the type na seryoso sa buhay at walang oras sa pag-date. Pero parang ang imposible naman kasing walang naging girlfriend tapos ganito ka-gwapo? Wala bang nagtangkang mag-confess sa kaniya?
Tahimik na kaming dalawang naglalakad hanggang sa huminto na kami sa tapat ng tinutuluyan ko.
"I'll go ahead fir-" Natigil ako sa pagsasalita nang magtama ang tingin namin pagkalingon ko sa kaniya. Napalunok naman agad ako. "Why?"
"Nothing," mahinang sambit niya. "Sleep tight, Heather.."
Mas lalong hindi ako nakagalaw nang guluhin niya ang tuktok ng buhok ko at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa katabing bahay. Napansin niya atang nakatayo pa ako roon at pinapanood siya kaya tumingin ulit siya at sinenyasan na akong pumasok.
Napakurap ako at dahan-dahan nang pumasok sa gate. Halos magkasabay lang kaming nakarating ni Lucho sa kaniya-kaniyang front porch. Before he could even open the door, sumigaw ako.
"Lucho!"
He looked at me.
I smiled at him. "Good night!" I like you.
I did not get enough sleep that night. Kaya nang magising ako kinabukasan ay halatang kulang na kulang ako sa tulog.
"Mukhang puyat ah. Ano ginawa niyo kagabi?" At ako agad ang nilapitan ni Cy nang magkita kami sa resort.
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Teen FictionAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...