Long chapter ahead! This is just Lucho's thoughts, and you don't have to force yourself to read it as it will not affect the story's ending. However if you'll continue to know his point of view, then I appreciate it so much.
Read at your own risk.
***
Epilogue
Lucien Echo Romero
“AND... CUT!”
Galing sa pag-iyak ay awtomatikong tumigil ang paghikbi niya, pinupunasan na niya ang basang pisnge na parang walang nangyari. Namamangha akong napatitig sa kaniya.
Sa kaniya... si Heather.
“Titig na titig? Hindi pa rin sanay?” pang-aasar sa'kin ni ate Perry na katabi kong nanonood.
“Ang ganda eh,” sagot ko na ikinatawa ni ate. Napailing tuloy ako dahil napapatingin samin 'yung iba, mabuti na lang talaga at nag-cut na 'yung direktor.
Napatingin din tuloy samin si Heather at nagtatakang nagtaas ng kilay. Her boba eyes are still wet with her tears. Her nose and cheeks were a bit red because of crying. Pero kahit gano'n ang ganda ganda pa rin ng girlfriend ko.
Girlfriend ko.
Tangina. Girlfriend ko ang magandang babaeng 'to? Sinagip ko ata buong mundo noon.
“I'm hungry,” she mouthed.
Napangiti naman ako at tinanguan siya 'tsaka bumaling kay ate Perry. “Lalabas muna ako, ate. Bibilhan ko lang ng pagkain si Heather.”
Asraelle Heather Herrera.
Ang ganda na nga ng mukha, ang ganda pa ng pangalan. Parang anghel na bumaba rito sa lupa para sagipin ang hampas-lupang ako. Hindi pala parang.. kasi siya naman talaga ang anghel ko noon pa lang.
“Lucien, ito si tatay Kaloy. Kilala mo siya diba?” pagpapakilala ng isang madre sa katabi niyang lalaki.
Ang batang ako ay inosente lang na nakatingin sa lalaki na malaki ang ngiti sa'kin. Hindi ko siya kilala, pero ilang beses ko na siya nakita rito sa bahay-ampunan dahil minsan ay nagpapakain siya saming mga bata.
Namulat ako rito sa mundo na walang kinikilalang nanay at tatay. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko na rin naman hinanap. Hindi ko na rin naman kinuwestiyon kung bakit ako iniwan dito. Isa lang ang ibig sabihin niyon.. hindi nila nagustuhan na dumating ako rito sa mundo. Kasi nandito ba ako kung mahal nila ako?
Nasanay na ako rito sa ampunan. Kinalakihan ko na ang gumising nang maaga at tumulong na lang sa mga mumunting gawain. Hindi katulad ng ibang bata, hindi ako mahilig makipaghalubilo. Palagi lang akong nasa ilalim ng isang puno na malapit sa palaruan at nagbabasa ng libro na pinapahiram sa'kin ng madre na nagbabantay samin. Ilang beses nang may pumupunta rito at kumukupkop ng mga bata, nasaksihan ko lahat iyon.
Ngayong dumating na ang panahon na ako naman ang kukunin, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Dapat masaya ba ako dahil sa wakas makakaalis na ako sa ampunan?
“Lucho, may binili akong mga libro sa sentro. Paniguradong magugustuhan mo 'to!” si tatay Kaloy.
Simula noong iuwi niya ako rito sa bahay niya, walang palya siya sa pagbigay ng mga libro nang malaman niyang doon ako interesado. Pinag-aral niya ako kahit na masyado na akong nahuli, pero hindi naman 'yon naging hadlang sa akin. Noong una ay ilap pa ako kay tatay dahil hindi naman ako sanay na may ibang kasama, tapos hindi ko rin naman siya lubusang kilala.
Pero lumipas naman ang panahon at naging komportable ako kay tatay. Maagang namatayan ng asawa si tatay at wala silang naging anak kaya naisipan na lang ni tatay na umampon kesa ang maghanap ng ibang mapapangasawa.
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Roman pour AdolescentsAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...