Chapter 29
This is so awkward.
Sobrang tahimik sa loob ng van habang nasa byahe papuntang Stardome. Tanging ang tunog ng mga busina ng mga sasakyan sa labas ang naririnig ko at gusto ko na lang magpalamon sa lupa ngayon.
Ate Perry suddenly cleared her throat. “Dadaan pa ba tayong drive thru, Rae?”
“Huwag na, ate. I'll eat after the meeting na lang,” tahimik kong sagot. Nakatingin lang ako sa bintana na nasa gilid ng kinauupuan ko.
Kahit magka-stiff neck ako ngayon, hinding-hindi ako lilingon sa tabi ko. Bakit ba rito siya sa backseat umupo? That's supposed to be ate Perry's seat!
“Sure ka ba? Sabi mo hindi ka pa kumakain ng breakfast.”
“It's okay, ate. I can manage.” Nawala ata gutom ko dahil dito sa katabi kong kanina pa tahimik.
Akala ko talaga ay namamalikmata lang ako kanina. Pero talagang nandito nga siya ngayon. Bakit? Para saan naman ang pagpunta niya rito? And the media! Mainit pa ang mata sa kaniya ngayon! This guy is not thinking!
“Kakagaling mo lang sa lagnat, Rae. Hindi ka pa nga ata gumagaling.” Ito naman si ate Perry ang daldal ngayon!
“Dumaan muna tayo saglit sa drive thru, ate Perry,” Lucho spoke for the first time.
“Diretso tayo sa Stardome, ate,” sabi ko.
“Drive thru muna, ate.”
“I will be late sa meeting, ate Pers.”
“Okay, okay. Kalma lang ha?” ani ate Perry nang mapansin niyang walang nagpapatalo samin ni Lucho. “Dadaan muna tayo sa drive thru, Rae. Kailangan mong kumain, patay ako sa mommy mo kapag nagtrabaho ka na naman nang walang kain!”
Napairap na lang ako at nanahimik na lang. Wala ulit nagsalita samin hanggang sa dumaan kami sa drive thru. Si ate Perry ang nag-order ng foods at nang matapos ay inabot niya sa'kin ang share ko.
Nilagay ko lang ang paper bag sa lap ko at nagplanong mamaya na lang kakainin. Kasi paano ko naman kakainin dito eh kanina ko pa napapansin na pinapanood ako nitong katabi ko?
“Hindi mo ba kakainin 'yan?” nagtanong siya bigla.
Is he asking me? Why would he talk to me? Why is he so casual? Like nothing happened?
“Later,” tipid kong sagot.
Laking pasalamat ko talaga na nakarating kami agad sa Stardome. Pinagbuksan pa niya ako ng car door na hindi ko naman pinansin. Dumiretso kami ni ate Perry sa loob ng building at akala ko pa na magpapaiwan si Lucho, pero ang lalaki ay tahimik pa na nakasunod samin kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao rito.
Lihim akong napairap. Of course kilala na siyang boyfriend ko. Kitang-kita ang mukha niya sa picture ng article ng dating rumor namin noong nakaraan. Hindi ba siya natatakot na baka pagkaguluhan siya rito?
Pumasok kami sa conference room at kami pa lang ang tao roon kaya tahimik pa. Umupo ako at nilapag ang paper bag sa lamesa 'tsaka kinuha ang phone ko para sana i-text si mommy, pero nagsalita na naman ang mushroom na ilang linggo kong hindi nakita.
“Kumain ka muna,” he said.
Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang pag-text kay mommy. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kasunod ang paalam ni ate Perry na lalabas muna raw saglit. Kaming dalawa na lang tuloy ang naiwan dito.
My heart was beating so fast because I could feel his presence. Pero hindi ko pinahalata iyon at nagkunwaring busy sa phone. And it seems like he's got enough it, kinuha niya bigla ang cellphone ko at nilagay sa bulsa niya.
“Hey!” angal ko.
Hindi niya ako pinansin at naupo lang sa tabi ko. Tahimik niyang kinuha ang laman ng paper bag at nilapag iyon sa harap ko. “Eat.”
“Anong palabas na naman ba 'to? Ano na namang ginagawa mo rito?” inis ko nang tanong sa kaniya. “Hindi ka nagpakita sa akin tapos biglang susulpot ka lang kung kailan mo gusto? Tapos you'll act like this as if nothing happened!”
Hindi naman siya nagsalita, mukhang alam niyang may sasabihin pa ako.
“You weren't there when I left! You never contacted me and left me confused! Ni hindi ko man lang alam kung anong rason mo kung bakit wala ka man lang paramdam sa'kin?” I can feel my tears pooling in my eyes. “And then that news broke out, 'tsaka ka pa lang nagparamdam! Nag-expect pa ako na baka pupuntahan mo ako pero ano 'yung sinabi mo? 'Sabihin mong hindi totoo'? 'Deny that, Asraelle'? Tapos biglang susulpot ka ngayon? Para saan pa, Lucien?!”
I was thankful that this conference room is sound proof dahil tumataas na ang boses ko. I was getting frustrated. My emotions were all over the place because after how many weeks, I finally let it out.
Silence enveloped us for minutes before he spoke.
“That night.. no'ng nalaman ko na babalik ka na rito sa Manila, inatake si tatay Kaloy no'n. Nagmamadali akong pumunta sa hospital at nalaman ko nang lumala 'yung sakit niya sa baga. Hindi ko siya maiwan no'n,” he said. “Hindi kita natawagan kasi inasikaso ko pa si tatay. 'Yung araw na pabalik ka na sa Manila, sumunod ako sainyo ni Cy matapos kong masiguro na ayos nang iwan saglit si tatay. Gusto kasi kitang makitang umalis kasi 'yon ang sabi ko diba?”
“Pero noong lalapitan na sana kita, tinawagan ako ng.. management mo,” pagpapatuloy niya. Natigilan naman ako at napatingin na sa kaniya. “Sabi ay alam na nila ang tungkol sa atin, at hindi naman daw nila papakialaman 'yon. Pero nakiusap sila na kung pwede.. hayaan ka munang mag-isa kasi aayusin mo pa ang career mo. Naisip ko no'n na.. baka mahadlangan pa kita kasi bago ako dumating sa buhay mo ay nandoon ka na sa mundong 'yon.”
I scoffed. All this time, parang walang sense lang din 'yung pag-alis ko kasi nakialam pa rin ang Stardome?
“Kaya hindi na rin ako nagpumilit pa, hinayaan kitang umalis. Hindi ko na rin nagawang i-contact ka kasi nawalan na rin ako ng oras. Naging bed-ridden kasi si tatay pagkatapos no'n kaya kinailangan kong pagtuonan siya ng pansin. Ako rin ang pansamantalang namahala sa resort at nagsisimula na ang renovation no'n. And when I finally got the time to rest, hindi pa rin kita nagawang tawagan kasi nahihiya na ako sa'yo.”
“How's Tatay Kaloy now?” tanong ko.
“He's getting better. Lumulusog na rin siya at nasa bahay niya lang. Hindi ko na muna pinapa-trabaho.”
Tumango-tango naman ako at nakahinga ako nang maluwag doon. I'm glad tatay Kaloy is fine now.
“Then how about the text you sent?” I asked again. “Why did you say that?”
He took a deep breath. “Natakot ako. Nangyari na 'yon sa'yo noon kaya natakot ako na baka masira ka na naman dahil sa'kin. Pero noong aminin mo sa lahat ang totoo, doon ko napagtanto na sobrang mali ako. 'Yung babaeng mahal ko, walang takot na hinarap ang publiko tapos ako ay nagpapalamon lang sa takot ko.”
“Pinapangunahan mo naman kasi ako eh..” I whispered and looked down.
“I know, at mali ako roon. I'm sorry. I'll make it up to you.” He gently held my hands. “I'm sorry.. I'm so sorry...”
When I felt the familiar warmth of his touch, my tears fell and a sob left my lips. I missed him... so much.
Nang mapansin niyang umiiyak na ako ay binalot na niya ako sa isang yakap. Siniksik ko ang sarili sa may leeg niya at doon umiyak. He was calming me down by rubbing my back gently and kissing my head. It only made me cry more.
“It took you so long...” I cried.
I realized now that I was lost when he wasn't here. I didn't really need his explanations because deep inside, I knew and I understand everything even without him telling me. All I ever needed was just for him to be here with me and I will be at peace.
“Shh.. I'm sorry. I'm here now. I won't leave now...” he whispered silently and hugged me tighter.
Because his embrace... always feels like home to me.
-
Hello, what do you think about this chapter? Kindly click the star button to vote. Your thoughts are highly appreciated so feel free to comment. Thank you! :)
saosoursea
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Teen FictionAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...