Chapter 4

29 6 2
                                    

Chapter 4



“Sa Isla Antrades ang punta mo, Rae. Sabi sa 'kin maganda raw doon!”

Pinakitaan ko ng ngiti si ate Perry habang tinutulungan niya akong maglagay ng mga gamit na dadalhin ko. And yes, I am going alone.

Just like what the boss said sa meeting days ago, I have to be away from the media's eyes for the meantime. And that means lalayo muna ako rito sa city. They said I need to lie low. Wala naman akong magawa kundi ang sumunod. Kahit ayoko, buo na 'yung desisyon nila.

“Is it safe there, ate?” tanong ko.

“Oo, Rae. Kilala mo si Yena? 'Yung team leader ng PR team? Doon siya lumaki, siya rin nag-recommend sa place. I researched about the place at talagang okay siya, Rae. Sikat ang mga beach doon!”

Beach, huh? I need to bring some swimwear then.

“Does my parents know?” I asked again, tapos nang mag-impake.

“Tatawagan ko pa sila para sabihan,” ate Perry replied.

“No need, ate. Ako na ang magsasabi. Pupuntahan ko sila before my flight tomorrow.”

Hindi na rin naman nakipagtalo pa si ate Perry at tumango na lang. The next day, inilagay muna namin sa van ko ang mga gamit na dadalhin ko bago tumungo sa bahay para daanan sila mommy.

When I told my parents about it, my mom overreacted.

“Seryoso ba 'yan, Asraelle? Ang layo layo ng pupuntahan mo! Ano na lang kakainin mo doon? Hindi ka marunong magluto!”

“Marunong naman akong mag-prito, my,” I told her pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

“And you're proud?”

I slightly pouted and glanced at daddy for help. Unlike mommy, dad was chill about it. They're the opposite of each other, that's why they are a perfect combination.

Nang makuha ni dad ang tingin ko, nilapitan niya agad si mom para pakalmahin.

“Asunta, hayaan mo na ang anak natin. That's what her management told her to do.” He caressed mom's back. “Besides, ilang taon nang nasa industriya si Rae. Don't you think it's time for her to have some rest?”

Salubong pa rin ang kilay ni mommy at mukhang iniisip ang sinabi ni daddy.

“Pero walang makakain ang anak ko doon, Rafael!”

“Hindi naman pababayaan ng Stardome si Rae, diba anak?”

I smiled and nodded.

Sagot ng management ang lahat ng expenses ko, mula sa plane tickets hanggang sa allowance. I don't have any idea how long I am going to say at Isla Antrades, ang sabi lang ni ate Perry ay sasabihan niya lang ako kapag pwede nang bumalik.

“May maghahatid sa 'yo sa tutuluyan mo roon. Sabihan mo ako kapag nakarating ka na, Rae ha?” si ate Perry.

Nasa airport na kami at hinihintay na lang ang flight ko.

“I will call you later, ate Pers,” sabi ko para makampante siya.

Isla Antrades is 1 and a half hour away if plane ang transportation. Sa loob ng oras na 'yon ay tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano. I have no one to talk to anyway.

When the plane landed, I wore a face mask to cover my face before going inside the small airport of the place. Hinanda ko ang sarili ko na dumugin pero natigilan ako nang walang ni isang reporter ang naghihintay. Every people were busy doing their own things.

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon