Chapter 8
Sinamahan ako ni Lucho sa mga shop na nandoon. I was taking my time habang nagtitingin ng mga souvenir and nasa likuran ko lang siya at tahimik na naghihintay. Para ko na tuloy siyang bodyguard ulit.
Hawak ko ngayon ang isang bracelet na gawa raw sa recycled materials, sabi nung nagbebenta. It caught my attention kaya naghahanap ako ng magandang kulay na babagay sa'kin.
I saw a yellow one kaya sinuot ko iyon sa palapulsuhan ko at hinarap si Lucho.
“What do you think?”
May tinitingnan siya sa malayo pero bumaling agad sa'kin nang marinig ako. Pinakita ko ang bracelet na suot.
“Bagay ba sa'kin?” tanong ko.
Tumango lang naman siya.
“Gusto mo rin ba?” alok ko sa kaniya.
Umiling siya. “Hindi ako mahilig sa ganiyan.
Kaya ba inalis niya 'yung bracelet na binigay ko? Hindi ko na kasi iyon nakita sa braso niya. Saan niya kaya nilagay 'yon?
Tumango na lang ako at lumapit sa tindera para bilhin ang bracelet.
It was already lunch kaya niyaya ko na siyang kumain. Giniya niya naman ako sa isang restaurant na nandito sa loob. Maraming kumakain doon kaya I was getting conscious about my surrounding again.
Nakasuot pa rin ako ng sunglasses kahit nakapasok na kami sa loob. Loud chatters and the sound of utensils filled the place. May kaniya-kaniyang mundo ang mga nandoon pero may napapatingin pa rin sa amin dahil dito sa kasama ko.
“Mag-take out na lang tayo, is it okay?” Lucho asked me and roamed his eyes. “Masyadong maraming tao dito.”
Pumayag naman ako. I sighed in relief. Akala ko dito kami kakain. Baka kapag dito ay hindi ako makakain ng maayos.
After getting our food, naghanap kami ng mapag-pwestuhan. Mabuti na lang at may isang cottage na walang tao kaya doon namin napagkasunduang kumain.
Lucho ordered seafoods for us. May shrimps, some crabs, tsaka fish. I was already eyeing the shrimps, it looks delicious.
“Use this,” sabi niya at binigay sakin ang isang hand gloves.
Hindi na ako nagreklamo at sinuot iyon dahil mas komportable ang mag-kamay ngayong ganito ang pagkain. 'Yung shrimp agad ang inuna ko nang magsimula na kaming kumain.
“Kaya mo?” tanong niya habang pinapanood akong mag-balat. “Gusto mo ng crab? Masarap 'to.”
He was attentive while I was eating. Sa huli, pinagbalatan na niya ako ng shrimp 'tsaka ng crab kasi paputol-putol na 'yung pag-kain ko, 'tsaka siya kakain ng kaniya.
“By the way...” panimula ko. He glanced at me while eating his food, letting me know that he's listening. “Where is the bracelet I gave you?”
Hindi man siya nahinto sa pag-kain pero napansin kong bumabagal siya. Uminom naman ako ng tubig mula sa bottled water na binili niya habang hinihintay siyang sumagot.
“Sinangla mo ba?” I tried to joke and laughed a little.
Pero napawi ang ngisi ko nang wala siyang naging reaksyon.
“Sinangla mo?” hindi makapaniwalang tanong ko.
He glanced at me and chuckled when he saw my face. “I did not.”
I scoffed and continued eating. Hindi na ako nagtanong kung nasaan na 'yon. Baka tinago niya lang since sabi niya kanina hindi siya mahilig sa mga gano'n.
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Teen FictionAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...