Chapter 6

26 7 2
                                    

Chapter 6


Given my years of experience, acting has become a nature to me. Naging madali na lang sa akin kung aling emosyon ang ipapakita. Naisasabuhay ko na ito to the point na nagtataka na ako minsan kung alin sa mga nararamdaman ko ang totoo.

“Walang mga camera sa paligid mo ngayon, ma'am. Stop the act, pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo,” said Lucho.

Tipid akong ngumiti. Hindi na lang ako kumibo at tumingin na lang sa harapan namin. We remained standing there until the sun finally got swallowed by the horizon. And of course, I took a few pictures of the sunset before it ended.

Nagpaalam si Lucho at may pupuntahan lang daw saglit. Tinuro niya ang isang may kalakihang building sa hindi kalayuan at nagtungo doon. Tinanaw ko lang siya bago ko naisipang bumalik na sa bahay.

When I got inside the house, saglit pa akong nagpahinga bago dumiretso sa kusina para magluto ng dinner ko. I only know how to fry kaya wala akong ibang choice kahit gustong-gusto ko kumain ng sinigang ngayon. I missed my mom's cooking.

Kinuha ko ang natitirang pack ng ham at hotdog. Sa dami-daming ingredients na nandito, itong mga ganito lang 'yung nababawasan. Sayang lang ang mga binili ni Lucho dahil hindi ko naman magagamit.

Nilagay ko na ang frying pan sa nakabukas na stove at nilagyan iyon ng cooking oil. While waiting for it to heat up, binabalatan ko ang hotdogs at inaayos ang hams. Nang masiguro kong mainit na 'yung kawali, una kong nilagay ang hotdogs.

Nakatitig lang ako sa pan habang naghihintay. Nawala lang ang tingin ko roon nang kay kumatok sa front door. Iniwan ko ang piniprito para puntahan ang pinto.

“Hey... bakit?” nakangiting tanong ko kay Lucho.

Suot niya pa rin 'yung suot niya kanina. Minus the polo kaya naka-puting sando na lang siya. His arms were in a full view.

“Nagluto ako tapos naparami kaya...” he trailed off and showed me a bowl of adobo.

Napalunok ako ng makita iyon. Inabot ko naman at ngumiti sa kaniya.

“Thank you..”

Tipid siyang tumango at tatalikod na sana nang may maamoy. My brows furrowed when he sniffed the air like a dog.

“Nagluto ka?” he asked and glanced inside. Hindi niya na hinintay ang sagot ko at nilagpasan ako para makapasok.

That's when I remembered the hotdogs. Fudge. Nagmamadali tuloy akong sumunod sa kaniya sa kusina. I saw him standing in front of the stove, turning it off. Naging mausok na rin ang kawali kaya napaubo pa siya sandali.

“I-i know how to fry..” depensa ko agad.

Lucho glanced at me before putting the burned hotdogs in the trash. Tahimik akong umupo sa isang stool at pinanood siyang linisin ang kalat ko.

“Nakalimutan ko lang talaga na ano.. may niluluto ako,” dagdag ko pa.

Tumango lang naman siya. Mas lalo tuloy akong nahihiya ngayong wala siyang sinasabi. Baka mamaya he's judging me inside his head.

Matapos niyang ligpitin ang mga kalat ko ay nagpaalam na siyang aalis. Tahimik naman akong nakasunod sa kaniya hanggang sa pintuan, iniisip pa rin ang nangyari.

Sira na nga image ko, sisirain ko pa sa mga mata niya. Baka mamaya sabihin niya 'yon sa public? Tapos may masabi na naman sila sa'kin.

“Kumain ka na.”

Inangat ko ang tingin nang magsalita siya.

“Thank you sa adobo...” mahinang sabi ko.

Tumango naman siya at nagsimula nang maglakad palayo. I ate the adobo he gave me at naparami pa ang kain ko dahil masarap iyon. Marunong pala siya magluto.

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon