Chapter 13
“Okay ka lang? Medyo malayo 'yung nahanap kong parking space kaya ako natagalan, sorry.”
Wow.
He just casually asked me that as if he didn't do anything?!
I mean.. I am thankful kasi umalis din agad 'yung mga nakakilala sa'kin. But he could have thought a different excuse diba?!
At ano 'yon? Wala si Rae Herrera kundi si Heather na girlfriend niya ang nandito? Dahil sa sinabi niya may iisipin na naman ako mamayang gabi!
And this damn heart! Pasimple akong humawak sa dibdib ko. Hindi naman ito ganito mag-react no'ng mga leading men ko ang nagsabi ng gano'n! There's no difference kasi parehas lang naman na acting ah?
“Heather?”
Napukaw ng boses niya ang naglalayag kong isip. “What?”
Nahinto siya sa pagtitingin ng vegetables at nagtataka nang nakatingin sa'kin. I immediately looked away as I pursed my lips.
“Ayos ka lang?” he asked again.
You think?! “Yup, I'm good.”
Nagpatuloy siya sa pamimili. I observed him while we were walking around. Sobrang tagal niyang mamili. Kapag may tinitingnan siyang product, may babasahin pa muna siya at kung hindi niya nagustuhan ay ibabalik niya iyon. He's like my mom, ganiyan din mag-grocery si mommy.
Naalis lang ang tingin ko sa kaniya nang may mahagip ang paningin ko. Right, it's almost my visitor's day. I need those.
“Lucho, may kukunin lang ako saglit,” paalam ko sa kaniya.
“Sige, ma'am. You need help?”
Umiling naman ako kaya hinayaan niya na ako. I went to the aisle of sanitary pads and looked for the one I always use. Hindi ako nakadala ng pads kasi akala ko ay hindi ako magtatagal dito. Mag i-isang buwan na ako dito at lumalapit na ang araw ng dalaw ko. My worst enemy.
Nang makakuha na ay si Lucho naman ang hinanap ko. He wasn't hard to spot since he's pretty tall and he stand out, literally. Nasa may spices section siya at naniningin. Napansin kong may mga babae sa may gilid niya at pasulyap-sulyap sa kaniya sabay hagikhikan. I can't blame them. May hitsura talaga ang isang 'to.
Naglakad na ako palapit at marahang nilagay sa cart ang pads. Bumaba ang tingin doon ni Lucho.
“On period?”
I shook my head. “Papalapit pa lang.”
“Ay, mukhang may girlfriend.”
“Ganda ng girlfriend, 'yan yung artista diba?”
“Hindi ko alam kung kanino ako maiinggit. Ang ganda ganda ng girlfriend!”
Napatingin ako sa pwesto nung mga babae kanina at pinanood silang naglalakad na papalayo. Nawala lang ang tingin ko sa kanila nang ayain na ako ni Lucho paalis doon.
Nakailang ikot pa kami sa buong market bago natapos sa pamimili si Lucho. Dumiretso kami sa cashier at naghanap ng mapipilahan. Medyo maraming tao kaya kinailangan pa naming maghintay.
May napapatingin pa sa gawi namin at yumuyuko naman ako, assuming that they are staring at me. But when I roamed my eyes again, I realized they were staring at the man beside me!
Well, I can't blame them again.
“May gusto ka bang bilhin?” he asked me. “Like clothes..?”
Inalala ko ang mga dala kong gamit. “I want to buy some beach tops. May gano'n ba dito?”
BINABASA MO ANG
Silent Waves of Whispers
Teen FictionAsraelle Heather Herrera is one of the best actresses in their generation. Bata pa lang ay pumasok na siya sa industriya at sinikap na panatilihing malinis ang pangalan na binuo niya. Everything is doing well in her life and she almost got her all-t...