Chapter 17

21 5 0
                                    

Chapter 17





“Ate Rae? Nandito ka?”

I smiled at Kit when he saw me standing near the car. “Long time no see, Dos.”

Lumapit siya sa gawi ko at binigyan ako ng yakap kaya natatawang niyakap ko rin siya pabalik. Bumitaw din naman siya agad nang marinig na namin ang mga boses ng mga kaibigan niya.

“Lucho!” I looked at Stardome's PR Team Leader, Yena. She was wearing a simple white dress and her hair was in a bun. Dumiretso ito kay Lucho na kakalabas lang ng sasakyan.

Umiwas na ako ng tingin nang magyakap sila at binigyan na lang pansin ang ibang kasama nila.

I smiled at Sydney when our eyes met. She's one of the actresses sa ibang entertainment and she's pretty nice. Kasama rin nila si Oli, isa sa model ng Stardome. Ang huli kong nakita ay 'yung journalist nilang kaibigan na naka-interview na sakin noon, si Art.

Their circle is one of a kind. Kilala sila sa showbiz dahil mostly sa kanila ay nagta-trabaho doon. Hindi mo rin talaga maaakala na mag-kaibigan sila dahil sa kanilang mga trabaho. A journalist, celebrities, and a PR team leader.. their dynamics is insane.

“Oh my gosh! Nandito ang isang Rae Herrera!?” si Art, gulat na nakatingin sa akin.

“Hey, Rae..” Lumapit sa akin si Oli at nakipag-beso. “Rinig ko nga na on hiatus ka, never knew you'd be here sa Antra.”

“Art, you promised not to write an article about us being here, ha? Especially about Rae,” pagkausap ni Sydney.

“Oo na, oo na! Nag-promise na nga diba? 'Tsaka nandito nga ako para mahiwalay muna sa trabaho!” depensa naman agad ni Art.

“Guys, tara na..” si Yena.

Tumingin kami sa gawi niya, pero umiwas din naman ako ng tingin dahil sa katabi niya. Why is he staring?!

After what happened earlier, hindi na nasundan ang pag-uusap namin ni Lucho. I pretended to be asleep hanggang sa makarating sa airport. The silence was so awkward! Kaya noong ihinto na niya ang sasakyan ay agad akong nagmulat at lumabas ng kotse.

Nauna nang pumasok sila Sydney. Didiretso na sana ako sa passenger seat nang mapansin kong doon din uupo si Yena kaya sa may backseat ako umupo katabi si Kit. Mabuti na lang at may kalakihan yung dalang sasakyan ni Lucho kaya nagkasya kaming lahat.

“Magkakilala kayo ni Lucho?” tanong sa'kin ni Kit habang nasa byahe.

“Ah.. oo. Siya ang may-ari nung bahay na tinitirhan ko.”

Tumango naman siya. “Diba bodyguard mo rin siya dati? Nakwento ni Yena 'yon eh.”

Tumango lang ulit ako. Sumulyap ako sa harapan at nakitang nag-uusap si Lucho at Yena. Magkakilala na pala sila at mukhang hindi na rin bago sa kanila si Lucho.

“Kumusta ka na pala? Ang tagal din nating hindi nagkita!”

Throughout the ride, magkausap lang kaming dalawa ni Kit. Minsan naman ay sumasali si Oli. Thanks to that, nawala na rin sa isip ko ang nangyari kanina bago sila nasundo.

“Finally! Malayo sa toxic na work environment!” Art exclaimed nang makababa kami sa resort. “Picture-ran mo ako, Syd! Doon sa may dagat!”

“Wait.. Kit, paabot nung cam ko please,” si Sydney.

Nauna silang dalawa sa dagat habang 'yung mga lalaki ang kumukuha sa mga gamit nila sa compartment.

“Dito ka rin ba tumutuloy, Rae?” Oli asked me.

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon