Chapter 23

20 5 0
                                    

Chapter 23






"Lucho..." I called him.

"Kain muna tayo," he said.

Tahimik lang siyang naglalagay ng kanin at ulam sa plato ko habang kinakabahan naman ako sa pananahimik niya.

"Hindi ko naman balak itago 'yon.." I tried to explain.

"Kumain muna tayo."

I sighed. Paano ako makakakain nang maayos nito? Alam ko nang wala na akong lusot kundi sabihin na talaga sa kaniya ang totoo. Matagal na ba niyang alam 'yon? Paano niya nalaman?

We ate in silence. Halos hindi ko na malunok ang mga kinakain ko dahil hindi na talaga siya umimik. Nakatingin lang siya kinakain niya at mukhang iniiwasan akong tingnan.

"I'm full.." mahinang sabi ko at tinulak nang kaunti ang plato.

Sumulyap siya sa plato ko bago inabot ang pitcher at nilagyan ng tubig ang baso sa gilid ko. Kinuha ko naman iyon at uminom.

Nang matapos siyang kumain ay pinanood ko siyang tumayo at niligpit ang pinagkainan namin. Tahimik pa rin siya at ayaw talaga akong tingnan kahit na alam kong nararamdaman niya ang titig ko sa kaniya.

"Can we talk now?" I carefully asked him while he's washing the dishes. "I'm sorry kung tinago ko sa'yo 'yon. Sasabihin ko rin naman talaga sa'yo..."

He didn't talk. Patuloy pa rin siya sa paghuhugas.

"Narinig ko kasi 'yung.. pag-uusap niyo ni Cy," pag-aamin ko at nakita kong napahinto siya roon. "Kaya natakot akong sabihin sa'yo na babalik na ako sa Manila dahil sa sinabi mo."

He sighed. "Sana kinausap mo ako tungkol doon sa narinig mo. Hindi naman pwedeng basta-basta ka na lang magco-conclude diba? Pwede mo naman akong kausapin."

"I know. Natakot lang ako." Napayuko at tumingin sa mga daliri ko. "Plano kitang isama pabalik sa Manila kasi wala naman akong balak na itago ka. Pero noong marinig ko 'yung sinabi mo.. naisip ko na baka hindi 'yon ang gusto mo at nagdedesisyon na agad ako para sa'yo."

Hindi siya sumagot at tinapos na muna ang paghuhugas bago tuluyang humarap sakin.

"Pwede namang pag-usapan 'yon eh.."

Napakagat ako sa labi ko. "I'm sorry..."

Narinig ko ulit ang buntong-hininga niya bago ko naramdaman ang paglapit niya at pagyakap sa'kin. He planted a kiss on top of my head.

"Sabihan mo ako sa susunod, hmm?"

I nodded and hugged his waist.

"Kailan ba balik mo sa Manila?" he gently asked this time.

"Sa Friday..."

"Okay..." Natahimik siya saglit at mukhang nag-iisip. "Birthday 'yan ni tatay Kaloy tapos mag-uumpisa na rin ang renovation sa hotel next week. Pwede bang susunod na lang ako sayo doon? Hindi kasi pwede na wala ako rito eh."

I nodded my head. "I understand. I'm sorry."

"It's fine, love." He kissed my head again. "Ihahatid naman kita sa airport sa araw na 'yon."

Ilang minuto pa ang nagtagal bago kami humiwalay sa yakap. Hinatid niya ako sa bahay at binigyan pa ng isang mahigpit na yakap.

"I like you so much..." I whispered.

"I like you more than that..." he whispered back.

Humiwalay lang siya nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya 'yon sa bulsa niya at kunot-noong sinagot.

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon