Chapter 16

22 5 2
                                    

Chapter 16






What should I do now?

This was one of the times that I wish I had a friend. Wala akong makausap tungkol sa ganitong bagay. I can't tell this to my parents, it will be awkward to tell them.

I only have some acquaintances na naka-trabaho ko na, and it will be weird kapag sa kanila ako magku-kwento tungkol dito. The closest one I got is ate Perry. Pero nakakahiya namang magsabi tungkol sa personal matter ko kung ang celebrity life ko lang ang hawak niya.

I sighed to myself and got up from the bed. Kanina pa ako gising actually, narinig ko pa nga ang pagtawag sa'kin ni Lucho kanina. I pretended to be asleep kaya umalis din siya nang hindi ako marinig.

I don't know, I just feel like I need to avoid him. Gano'n naman siguro 'yung mga taong rejected. Well, hindi naman directly na ni-reject ako because I didn't confess, pero same thought pa rin. Nakakahiyang tinanong ko pa 'yon kagabi. Ngayon hindi ko na alam kung paano aakto sa harapan niya nang hindi nahihiya!

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para makakain ng breakfast. I just toasted some bread and put strawberry jam on it. Kumuha na rin ako ng glass para sa mango juice na nakita ko sa ref.

Sa kalagitnaan ng pag-kain ko, tumawag si mommy. Like her usual calls, kinamusta niya lang ako.

“Your dad is at work kaya ako lang mag-isa dito sa bahay. Should I go there to you?” sabi pa niya.

“Mom, you know how expensive flight tickets are kapag agad agad 'yung flight mo.”

Napapalatak si mommy. “Oh please, spending thousands just to see my daughter is no big deal. Isang buwan na kitang hindi nakikita!”

I chuckled at that. “Babalik din naman ako agad diyan, my. Hinihintay ko lang ang go signal ng Stardome.”

“At kailan pa 'yon?”

“Wala pa pong sinasabi si ate Perry.”

“See? Baka umabot ka ng taon diyan, anak! Baka puro ka na lang fast foods diyan! Hindi ka na nakakakain ng tunay na pagkain!” Mom exaggerated.

“Nakakakain naman ako ng real food, mommy. Don't worry,” natatawang ani ko.

“I don't believe you, sweetheart. Hindi ka marunong magluto.”

Nilulutuan ako, mommy. “May nabibili naman po dito.”

Of course hindi ko masabi 'yon. Knowing my mom, she will overreact. She knew I don't have any friends. Baka totohanin niyang pumunta dito ngayon.

And speaking of that...

“By the way, mom..” I trailed off, nagdadalawang-isip kung sasabihin ko ba o hindi.

“Yes, why?”

“Uhm.. w-what will you do if someone you like doesn't like you?” I bit my lower lip.

Natahimik ang kabilang-linya. Kinabahan naman agad ako at baka nakutuban si mommy sa tanong ko.

“Random question lang 'yan, my. May napanood kasi akong.. movie.”

“I'm not really sure about that, anak. Si daddy mo lang kasi ang nagustuhan ko buong buhay ko,” sagot din naman agad ni mommy.

“Then, let's say nagustuhan mo si daddy tapos hindi ka niya gusto. What will you do?”

“Si daddy mo ang unang nagkagusto saming dalawa, Rae.”

“Mom..” ungot ko. Nang-iinggit pa talaga. “Just answer my question.”

Silent Waves of WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon