Pabagsak na hiniga ko ang katawan ko sa papag na higaan.
Itinaas ko ang kamay ko na may bracelet na suot.
Kanina sinubukan ko itong tanggalin but kahit anong paghila at pagkalikot ko ayaw matanggal, kaya ang ending heto parin, suot ko.
Nang magsawa ako kakatingin bumangon ako at pumunta sa cabinet kong mas matanda pa yata sa akin.
Kumuha ako ng maisusuot na damit. Eksaktong nakakuha na ako ng maramadaman ko ulit ang kakaibang pakiramdam na iyon...
Iyong pakiramdam na na para bang may kuryente sa paligid.
Isinara ko ang cabinet.
And there sa salamin nakita ko na naman sya. Ang lalaking pinakagwapo sa lahat ng lalaki nakita ko.
OA much pinakagwapo talaga Leigh.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sigurado akong multo ang nasa harap ko, it's because the way he look at me.
"May kailangan ka ba sakin?"
Kumunot ang noo ng gwapong multo.
"Nakikita mo ako?"
Grabe ang boses bagay na bagay sa mukha.
"Obviously."
"And you're not scared?"
Tumawa ako.
"Sa gwapo mong yan dapat ba akong matakot?"
Sa sinabi ko biglang sumungit ang mukha niya.
"Tsss, ibalik mo sakin ang bracelet ko."
Napatingin ako sa bracelet.
"Sayo 'to? Kanina ko pa nga tinatanggal di maalis."
Lumapit ako sa kanya at itinaas ang kamay ko.
Mas gwapo sya sa malapitan.
Lalo namang kumunot ang noo niya.
"Abnormal kaba? Hindi ka ba talaga natatakot sakin?"
Nagkibit-balikat ako. "Siguro nga abnormal ako.
Hinawakan nya ako sa braso, hinila papalapit na kinagulat ko.
What the fudge! Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Paano nagdikit ang katawan namin at naglapit ang mga mukha.
"What the fuck is going on?! Bakit nahahawakan kita? Bakit napunta sayo iyang bracelet ko gayong nakasuot iyan sakin? At bakit hindi ako makalayo man lang sayo?!"
Whoa! Grabe naman itong multo na ito highblood kaagad.
Pero may napansin din ako.
"Bakit di mo idagdag sa tanong mo kung bakit ang init ng katawan mo? Di ba pag ghost na malamig na ang katawan?"
Ay putek dapat wala din katawan ang multo kasi nga kaluluwa na sila diba? Packing tape naguguluhan ako.
Natigilan sya, narealize yata nya na masyado kaming malapit sa isat-isa.
Nagdoble ang tibok ng puso ko ng mapasulyap ako sa labi nya.
"Hey." Sigaw ko ng tila napapaso na itinulak nya ko.
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...