18

24.7K 925 124
                                    

Loving Him

I love him even though he's not mine...
I love him even i know that things is not fine...

I love him even i know that all of this will fade in time...
I love him even its hurt to know that his heart is beating but not for mine...

I love him...he will forget me.
I'm hurting he is enjoying..
I'm shedding tears while he is smiling.

I'm broken while he never knew that here I'am, loving him... while my heart is breaking


*****

Sa tanang buhay ko sa pagkakaalam ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, iyong sa bawat takbo ng oras at araw parang may batong unti-unting dumadagan sa dibdib ko.

Ikatlong-araw na mula ng matagpuan namin ang katawan ni Tyrrone. Ito ang araw na babalik sya sa katawan nya, ang araw na mabubura ako sa alaala nya...

Sa Mulawin Doctor's Hospital sya naka-confine.

Sa unang araw palang na dumating sya ng hospital dumagsa na kaagad ang mga bisita, mga kilalang tao sa business world, at showbiz. Kaya naman sobrang higpit ng security namin sa kanya.

Napatunayan ko rin na hindi basta-bastang tao lang talaga si Tyrrone Jig Elmundo. 

Nasaksihan ko din kung paanong bumaha ng luha sa unang araw pa lang, mula sa mga magulang, kay Clarissa at mga kaibigan nya, lahat natutuwa dahil buhay pa sya.

Halos hindi na nga umalis si Clarissa sa tabi ng binata.

Ako dahil hindi pa ko makalayo, andito parin ako nagsisilbing bodyguard nya.

Kung may mga tanong ang  magulang nya kung ano ang kaugnayan ko sa binata at kung paano ako nasangkot sa gulo nito ay hindi na nila isinatinig.

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sa Mama nya ng malaman nito na ako ang nakahanap nya.

After non sa labas na ng kwarto ako naglagi at hindi na ako pumasok kahit anong pilit nila. Sinabi ko na lang na mas ma m-monitor ko ang mga papasok at lalabas kapag andon ako.

Tulad ngayon nakaupo ako sa upuan sa labas ng kwarto nya kasama ang dalawang trainee ng D&A.

Tahimik lang akong nakahalukipkip na nakaupo duon at hindi ko na mabilang kung ilang buntung-hininga ang ginawa ko.

"Sige drama lang Leigh."

Naiinis ako sa sarili ko, kung pwede nga lang umalis  na ako dito at sumama na lang sa operasyon sa paghuli kay
Don Ludwig, ang kaso hindi pwedeng mahiwalay si Tyrrone sa katawan nya, kaya hindi rin ako pwedeng lumayo.

"Ang laki ng problema mo." muli akong napabuntung hininga.

Nasa ganon ako pag-iisip ng may humawak sa kamay ko at hilahin ako patayo at papuntang elevator.

Napatingin sakin ang dalawa kong kasama kaya  sumenyas lang ako na may pupuntahan.

"Bossing?" takang tanong ko habang nakatingin sa kamay nyang mahigpit ang hawak sa kamay ko, dahilan para bumaon ng bahagya ang pulseras nya sa balat ko.

At katulad ng dati hindi ako sinagot ng amo kong suplado. Patuloy lang sya sa pagkaladkad sakin hanggang sa makarating kami sa loob ng elevator.

Hindi ko nakita kung anong floor ang pinindot nya dahil pagkatapos nyang gawin iyon, ay bigla nya na lang akong sinandal sa pader ng elevator.

Nanlaki ang mga mata ko lalo na ng idikit nya ang katawan sa akin ganon din ang mukha nya.

"B-bossing."

His Fearless Leigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon