Para sayo cookie223. Thanks bhe sa support😊😊😊
*****
Maingay, maharot, mausok at matao.
Pangkaraniwang eksena na iyan dito sa club XYz.
Halos andito ang lahat tuwing ganitong araw ng biyernes. Nagkakasiyahan at naglalasing.
Mas maingay at mas magulo dito kapag sumapit ang alas-dose. Mas mahaharot ang mga tao at mas mapupusok.
Sa ganitong oras din lumalabas ang mga masasama ang loob.
Sinasamantala ang mga kabataan na lasing para mabentahan ng mga pinagbabawal na gamot.
Drugs,cocaine,heroin at ectasy.
Ang misyon ko rito. Akitin hanggang sa mapainon ng pampatulog ang leader ng grupong tinatawag na FIX na si Randall Danero.
Kaedad ko sya at tulad ko rin ay estudyante pa. Sya ang nagbebenta ng mga illegal drug sa mga kabataan hindi lang dito sa bar na ito kundi sa ibat-ibang bar sa magkakalapit na bayan.
Lumabas ako ng C.r.
Nanlaki ang mga mata ni Gelo ng makita ako.
"L-leigh?"
"O anyare sayo?" Takang tanong ko.
"Leigh...you're...you're so...hot." sabi niya na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Napatingin ako sa kanya pagkatapos ay sa sarili ko.
Isang sexy party gauze dress ang suot ko all white iyon na long sleeves ngunit see through. Backless ang likod at kita ang pusod at mga hita at hanggang ilalim ng tuhod ang haba.
Naka three inches heels sandals din ako. Nakalugay ang aking buhok.(Credit to the owner)
"Nagdress lang hot na tigilan mo ako Angelo.""Shit!" Bigla nyang mura.
"O bakit?"
"Papatayin ako ni Elmundo kapag nakita ka nyang naggagala dito ng ganyan ang suot." Sabi nya.
Nagkibit balikat ako.
"Where is the subject?" Tanong ko.
"Nasa VIP floor sya." May ibinigay sya sa akin isang card. "Iyan ang pass mo. Fifteen minutes lang Leigh."
Tumango ako. Inabot ang susi.
Napansin kong nasa mga hita ko ang mga mata nya.
"Eyes up here Gelo." Sabi ko.
Namula sya.
"S-sorry n-naninibago lang ako. Ngayon ko lang n-nakita... I mean n-ngayon lang kita nakitang nakaganyan na ayos."
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...