*****
Bago pa bumukas ang pinto nahila na ako ni Tyrrone papunta sa ilalim ng kama.
"Move faster." bulong na angil nya. Naramdaman ko ang kamay nya sa ulo ko, nang gumagapang na ako sa ilalim.
Hindi ko alam kung nilagay nya iyon para di ako mauntog.
Nagtaka pa ako ng pati sya lumusot duon.
Eh? Magtatago din sya eh hindi naman sya nakikita?
Dalawang pares ng paa ang pumasok mula sa labas.
"Hanggang ngayon wala paring balita tungkol sa anak natin." ang umiiyak na tinig ng isang babae ang sunod namin na narinig.
"Mom." bulong ni Tyrrone.
Napatingin ako sa kanya.
"Huwag kang mag-alala Amelia. Mahahanap natin ang bangkay nya." wika naman ng isa na lalaki ang boses.
"Dad." si Tyrrone.
Umupo sa kama ang mga magulang nya.
Napaunat ako nang maramdaman ko ang pagpatong ng ulo nya sa kanang balikat ko. Nakita ko syang nakapikit ng mariin.
"Buhay ang anak ko Falcon. Sigurado akong buhay sya nararamdaman ko yun."
"Amelia...its been four months.
"Buhay sya. Falcon buhay sya." paulit-ulit na sinasabi ng Mommy nya.
Si Tyrrone lalo pang isiniksik ang mukha sa balikat ko. Ramdam ko na nga ang hininga nya sa leeg ko.
Hindi ko sya tinulak hinawakan ko pa nga ng mahigpit ang kamay nya.
Walang ingay na hinila nya ako papalapit at niyakap.
Mula sa pagkakadapa sa ilalim ng kama nakatagilid na ako.
Nakayakap sya sa akin at nakasubsob sa leeg ko.
Sa kada hikbi at iyak ng Mommy nya humihigpit ang yakap nya sakin, sa sobrang higpit, hindi na ako makahinga, pero hinayaan ko lang ko sya.
Alam ko naman na kahit multo sya nakakaramdam sya ng lungkot, ng paghihinagpis. Dadamayan ko muna sya ngayon. Wala naman akong ibang mao-offer sa kanya kundi balikat ko.
"Tahan na Amelia. Hahanapin natin sya, hindi tayo titigil. Pati ang may kakagawan ng lahat ng ito mananagot." sabi ng Daddy nya.
Ilang minutong katahimikan ang sumunod.
Si Tyrrone nakayakap at nakasubsob parin sakin.
Mayamaya kumilos ang mag-asawa patayo.
Nakita ko ang mga paa nila na naglakad papuntang pinto.
Ilang segundo pa, kami na lang ulit sa kwarto nya.
Ayaw ko pa sanang bumitaw sa kanya.
Pero kung hindi pa ako kikilos baka may pumasok na naman.
"Bossing tara na." sabi ko.
Hindi sya kumilos.
Kumunot ang noo ko.
"Hoy Bossing! Ano na?"
"I like your scent." out of the blue ay sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
Lalo na ng maramdaman ko ang marahang paghagod ng labi nya sa leeg ko.
Ano yun? Minamanyak nya ba ako?
"Papamanyak ka naman loka, eh kanina ka pa nga napapapikit."
"T-tyrrone." tawag ko sa kanya when he gently bit my skin.
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...