10

26.4K 907 51
                                    

Leigh P.O.V

Masayang sinilid ko  ang perang napanalunan ko sa aking bag.

Kahit masakit ang katawan at may sugat at pasa sulit narin atleast nanalo ako.

Isinampay ko ang bag ko sa balikat ko at hindi ko maiwasan na mapangiwi ng makaramdam ng sakit duon.

Actually buong katawan ko ang masakit. Ultimo mga kamao ko, ang tigas naman kasi ng katawan ng Rocky na yun. Ang lakas pang sumipa at sumuntok.
Ouch! May bali yata ang tadyang ko.

Iika-ika akong naglakad palabas.

Hinanap ko si Tyrrone pero di ko sya makita.

"San na kaya iyong multo na yun?"

Huli ko syang nakita ng akto syang lalapit kanina ng lumalaban ako.

After nun di na sya nagparamdam.

Umiling-iling ako. Bahala sya.

Bumalik ulit ako ng D.U, sa study area ko natagpuan sina Eizen at Clarissa.

Papalapit pa lang ako ramdam ko na ang tensyon sa paligid nila.

Anong problema ng dalawang 'to?

"San ang lamay at parehas sambakol yang mukha nyo?" pambungad ko ng makalapit ako sa kanila.

Sabay silang nagtaas ng tingin sakin ngunit unang nagsalita si Eizen.

"Anong nangyari sayo?" tukoy nya sa mga sugat at pasa ko sa mukha.

Kibit-balikat ang sagot ko sa tanong nya.

"Wala bang kakaibang nangyari?" tanong ko na naupo sa tabi ni Eizen.

Pumormal ang mukha ni Eizen.

May kinuha sya sa bag nya at inabot sakit.

Its a death threat note.

Kulay itim na colored iyon at ginupit na letra ng magazine ang ginamit para makabuo ng salita.

Give the Memory Card or You'll Die!!!!

Kumunot ang noo ko.

Anong memory card? Iyong nakamaskara kailangan ng memory card?

Pero hindi eh kung sya ang nanghihingi ng memory card dapat si Clarissa kagad ang pinuntirya nya. At base sa file  ng nakamaskara serial killing ang ginagawa nya may history pa ito ng pagpatay years ago. No hindi galing sa nakamaskara ito.

So kanino galing ang notes?

At anong memory card ang hinihingi?

Ay kakainis naman ang sakit sa ulo.

Binalingan ko si Eizen.

"Saan nyo nakuha to?"

"Sa bintana ng kotse nya nakatupi duon."

"Na check mo na iyong CCTV?"

Tumango sya. "Oo pero wala kaming nakita may deleted na part."

"Deleted ibig sabihin..."

"Oo, kung sino man ang nag-iwan ng note may Access sa D.U o pag hindi malaki ang impluwensya dahil halos lahat ng CCTV na nakapaligid sa parking lot na edit na."

Napaisip ako.

"Naiintindihan mo ba iyong nakasulat dito?" tanong ko kay Clarissa.

Umiling sya. "Hindi, kanina ko pa iniisip kung ano ang memory card na tinutukoy dyan. Wala, walang sense, di ko maintindihan."

His Fearless Leigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon