12

27K 878 55
                                    

"Ang ibig mong sabihin kaya ka namatay kasi may pumatay sayo." sabi ko habang nilalantakan ang french fries na pasalubong ni Eizen sakin, nang dumalaw sya kanina at mabilis na umalis din dahil may klase pa si Clarissa.

Si Tyrrone ang kausap ko dahil wala naman ibang patay dito kundi sya.

Tumango sya at pinunasan ang ketchup na nagkakalat sa labi ko, dahil sa walang habas kong pagkain.

Pasensya na kung parang baboy lang, eh kasi naman na t-tense parin ako hanggang ngayon kay Tyrrone, oo pagalit syang magsalita, pero may kakaiba sa kilos nya, hindi ko lang ma pinpoint kung ano.

"Magdahan-dahan ka nga sa pagkain para kang baboy." sabi nya ng matapon ang ilang stick ng french fries sa kama.

See, see galit na naman sya.

"Sorry bossing masarap kasi." sabi ko na napaunat ng hawakan nya ang kamay ko para kunin at mabuksan ang bottled mineral water na nasa gilid.

Inabot nya iyon sa akin.

"Drink, bago ka mabulunan."

Ayan, ayan ang isa ko pang ibig sabihin, dati naman wala syang paki sa akin. Bakit ngayon pinagsisilbihan nya ko.

Tapos iyong nangyari pang halikan sa pagitan namin. Ano ang ibig sabihin non?

Inabot ko ang tubig at uminom. Kailangan makalabas na ako rito ng hindi naman kung ano-ano ang naiisip ko.

Ayaw ko man, nabibigyan ko ng kakaibang kahulugan ang mga kinikilos nya.

"Sino ang pumatay sayo bossing at ano ang kinalaman non sa memory card na hinahanap nila?"

Sinabi nya na sa akin kung sino ang limang lalaking idol ang mga Power Ranger na humarang sa amin ni Clarissa.

Sabi nya ng minsang namasyal sila ni Clarissa at kumukuha ng video may pangyayaring, aksidente na nakuhanan ng mga ito.

Hindi aware duon si Clarissa dahil si Tyrrone ang kumukuha ng video gamit ang cellphone nya. Nang mapansin nya na hindi maganda ang nangyayari mabilis nyang inilayo si Clarissa duon.

Ang problema may nakakita sa mga ito, sinundan at ang unang pinatay ay sya nga. Hindi nakuha ng mga kriminal ang cellphone ni Tyrrone dahil maagap na naitago nya iyon, kaya si Clarissa ang pinupuntirya.

"Ayan date pa more." gusto ko sanang sabihin kaso baka bigla nya akong ibalibag.

"Sino sila Bossing? Ano iyong nakuhanan mo at nasaan iyong cellphone?" tanong ko.

Matagal syang napatitig sakin. Sa sobrang tagal halos mamula na ako sa pagkailang.

"I don't know?" he said.

Eh? Tama ba ang dinig ko. Hindi nya alam?

"Ah... anong ibig mong sabihin bossing?"

"Hindi ko maalala kung ano ang nakuhanan namin, hindi ko alam kung sino ang nagpapatay sakin at hindi ko alam kung nasaan ang cellphone ko."

Kumunot ang noo ko. Hindi niya maalala?

Posible bang magkaruon ng amnesia ang multo? Ang weird.

"Nakakakita at nakakausap ka nga ng multo, hinahalikan ka pa, tapos ngayon ka lang na weird-an sa mga pangyayari."

Oo nga naman.

"Kaloka, hindi lang serial killer ang kalaban mo bossing may iba pa, aba matinde, kawawa nga si Clarissa nyan." umiling-iling ako, inubos ko ang natitirang french fries pagkatapos ay tumayo.

His Fearless Leigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon