26

31.8K 1K 171
                                    

Pareho kaming nakamasid lang ni Clarissa sa dalawang lalaking nasa harap ng sasakyan.

Pagpasok pa lang nila nakaramdam na agad kami ng tensyon.

"Anyare?"

Tumama sa akin ang mga mata ni Tyrrone ng mapatingin ako sa rearview mirror.

Napaiwas ako ng tingin.

"Dito na tayo." Sabi ko ng mapatapat kami sa DQ.

Nagkatinginan pa kami ni Clarissa ng sabay na lumabas iyong dalawang lalaki at nag-unahan na buksan ang pinto sa gawi niya.

Nagkibit-balikat nalang ako saka binuksan ang pinto sa side ko.

"Leigh!" Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Uy Gelo." Bati ko naman.

Lumapit sya sa akin, humalik sa noo ko.

"Racing tayo."

Namilog naman ang mga mata ko.

"Sige kelan?" Excited na tanong ko.

"Bukas sa-." Napahinto sa pagsasalita si Gelo ng bigla nalang akong nawala sa harap nya. Paano ba naman dinagit na lang ako bigla ng magaling kong Boss.

"T-teka Bossing may kau-"

"What floor?" Hindi nya ako pinansin bagkus nagtanong lang kung saan floor kami nang mapatapat kami sa elevator.

"Eh teka Bossing." Nilingon ko si Gelo na nakamaang sa amin. "Text mo na lang Gel!"  Sigaw ko dahil hinila na ako ni Tyrrone papasok.

"What floor?" Madilim ang mukha na ulit nya. Sinagot ko na parang mangangain na ng tao eh.

Pinindut naman nya iyon.

"Teka asan sina Eizen-"

"Hinatid nya na si Clarissa."

"Bakit-"

"Cellphone."

"Ha?"

"Akina ang cellphone mo."

Nagtataka na kinuha ko naman iyong cellphone ko sa bulsa, na mabilis nyang nahablot sa akin.

"B-bossing bakit-"

Inilabas nya ang cellphone nya at ibinigay sa akin.

"Anong gagawin ko sa cell-"

"Iyang cellphone ko ang gamitin mo. Ako gagamit ng cellphone mo."

Nanlaki ang mga mata ko.

Seryoso? Ako gagamit ng mamahalin nyang cellphone at sya gagamit ng sa akin na oo nga't touch screen rin eh mura naman. Bakit?

"Sandali Bossing bakit-"

"Huwag ka ng maraming tanong babae basta iyan ang gamitin mo!" Masungit na sabi nya.

"Eh bakit-"

"Shut up."

Napapadyak na ako.

"Bossing, kanina ko pa napapansin na hindi nyo ako pinapatapos sa pagsasalita."

"So?"

Abat ang loko tinaasan lang ako ng kilay. Magsasalita pa sana ako ng hapitin nya ako sa bewang.

"Tahimik o halik?"

Naumid naman ang dila ko.
Bumalik sa alaala ko iyong eksena namin sa hospital ko.

Natawa sya ng itinikom ng mariin iyong labi ko.

"Tahimik huh? Mas maganda sana kung pinili mo iyong huli."

His Fearless Leigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon