28

27.9K 835 68
                                    


For @keikosakura isa po sya sa mga unang nagbasa ng gawa ko. Maraming salamat po☺.


*****
Titig na titig ako sa kanya.

Hindi naman siguro ako nabibingi diba?

Mahal nya ako. Sigurado ako na iyon ang sinabi nya.

"Ano Babae? Titigan mo na lang ba ako o sasagutin mo ang tanong ko?" Untag nya sa akin.

"B-bossing joke lang ba'to? Sinasabi mo lang ba iyan para pauwiin ako?"

Marahas na huminga si Tyrrone.

"Great! Sinabi ko nang mahal kita nagtapat na ako lahat-lahat pagkatapos inisip mo pa talaga na nagbibiro ako. Asan ka bang babae ka nang mapuntahan kita? I will kiss you torridly para tumatak dyan sa isip mo na mahal kita... mahal na mahal kita!"

Napatakip ako sa bibig ko para pigilin muli ang hagulhol na gustong lumabas duon.

"Shit! Mahal nya nga talaga ako."

Lumambot naman ang ekpresyon ng mukha nya ng muling pumatak ang luha sa mga mata ko.

"Don't cry Babe. Stop crying. Naninikip ang dibdib ko kapag umiiyak ka."

Bigla kong pinunasan ang luha ko at tinignan sya.

"Mahal kita Bossing." sabi ko.

"I love you too Leigh..." sagot nya.

Sa kabila ng pagtulo ng luha ko, sumilay ang isang ngiti sa mga labi ko.

Ngiting lalong nagpalambot sa mukha ni Tyrrone.

"I want to kiss you, embrace you, I want you here by my side. I want you to feel my love para maramdaman mong sincere talaga ako." He said na lalong nagpaluwang sa ngiti ko.

"Babalik na ako. Bukas na bukas din babalik ako."

Bigla syang napasimangot.

"Just tell me where you are at pupuntahan kita dyan."

"Nah you look tired babe...pahinga ka muna promised bago matapos ang araw bukas, nasa tabi mo na ako."

Biglang sumilay ang isang mapanuksong ngiti sa mga labi nya.

"Babe huh?"

Bigla naman akong namula.

"Ay ano..." napakamot ako sa batok ko at napaiwas ng tingin. "Bossing pala."

Tumawa sya.

"You're so pretty Babe lalo na kapag namumula ka."

Sinimangutan ko sya.

"Tyrrone!"

Tumawa lang sya saka sumandal sa sofa. Maaliwalas na ang mukha nya.

"Did you eat Babe?

Tumango ako, sumandal sa headboard ng kama.

"Oo sa kasal. Ikaw?"

"Hindi pa."

Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit?"

"Hindi ako pinakain ng babaeng mahal ko, na basta na lang nawala ng banggitin ko sa kanya ang salitang 'asawa'. Ilang araw na wala akong gana at pagod sa paghahanap sa kanya. Pinagod pa ako ng mga sira-ulo nyang kasamahan na kung ano-ano ang pinagawa sa akin pero wala naman akong nahita. Hindi ako pinatulog sa pag-aalala na baka iyong babaeng mahal ko napahamak na, lapitin pa naman sya ng gulo. Hindi ako pinatahimik ng babaeng may pangalang Leigh Shane Rozul, na nasa isang kasal lang pala nagsasaya habang ako nandito nagdurusa."

His Fearless Leigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon