For @RossannaMarieOracion na tinatadtad ako sa pagr-request ng UD hahaha thanks sa support at mga boto😊😆.
*****
Nagising ako sa amoy ng sinangag at kape. Kahit nakapikit kumalam ng todo ang sikmura ko.
Nagmulat ako ng mga mata.
Masakit iyon dahil sa ginawa kong pag-iyak kagabi.
Speaking of kagabi bigla akong napabalikwas ng bangon ng hindi ko naramdaman si Tyrrone sa tabi ko.
"Uy gising na si Ganda Bossing." Napatingin ako ka Damien na nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv.
Ayos multong nanonood ng tv.
"Gising na iyong babae mo pogi." Sabi din ni Elizabeth na nakaupo sa tabi ni Damien. Nakaakbay ang multong lalaki rito.
Tumaas ang isang kilay ko.
"Kayo na?" Tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos ay ngumiti ng masuyo sa isat-isa.
Aba ang tamis.
"Yes Babe." Si Tyrrone ang sumagot na inilalapag ang mga pagkain sa mesang naruon.
Boses nya palang ang bilis na kaagad ng tibok ng puso ko.
Pati iyong 'kagigising lang' na look nya, grabe ang lakas ng epekto sa dibdib ko.
Natulala tuloy ako sa kanya.
"Pfftt. Nganga na naman sya sa kaguwapuhan mo pogi." Natatawang sabi ni Elizabeth.
Ngumiti sa akin si Tyrrone. Lumapit at naupo sa tabi ko.
"Morning Babe." Sabay halik sa noo ko. "Okay lang ba ang tulog mo?"
Okay? Hindi okay.
Ang sarap ng tulog ko.
It was dreamless sleep. Walang bangungot, walang mga nakaraan na nagbabalik.
Tulog lang talaga ang ginawa ko.
Nakatulog ako habang nasa ibabaw nya.Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong.
Pinangko nya ako.
"Whoa. Bakit binubuhat mo ako bossing?" Tanong ko.
"You need to eat." He answered saka naglakad papunta sa mesa.
Daha-dahan nya akong binaba sa upuan.
"Eat babe." Utos nya. Habang hinahalikan ang ulo ko.
"Ang asukal nyo." Sabi ni Elizabeth sa amin.
Tinignan naman sila ni Tyrrone. Hindi parin lumalayo sa akin ang binata na nakaupo sa gilid ng mesa.
"Get lost, you two."
"Now pinapaalis mo na kami, samantalang ng hinahanap mo si Leigh halos hindi ka na humiwalay sa amin sa kakahingi ng tulong. Halis pinakibot na sa akin ang limang bayan para lang makita ang Babe mo." Si Damien na nakangisi.
"Tsss. You said you want to have a quality time with your girl. Do it now while I do mine." He said na sabay naming ikinapula ni Elizabeth.
"Ayos!" Tuwang-tuwa sabi ni Damien.
"Hey anong ayos-." Pinatahimik ni Damien si Elizabeth sa pamamagitan ng halik. Kitang-kita ko pa ang panlalaki ng mga mata ng babaeng multo bago sila naglaho.
"Wow ayos." Sabi ko, ngayon lang ako nakakita ng multong naghahalikan. "Bossing-." Pagharap ko, he too...silenced me with a kiss, at tulad ni Elizabeth nanlaki rin ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...