4

28.3K 978 46
                                    

4.

She been tortured sigurado ako duon.

Sa pwesto ko kitang-kita ko ang mga hiwa ng kutsilyo sa katawan nya, wala rin  syang daliri lahat pinutol at ang mukha nya...ang mukha nya may paso ng sigarilyo at mga hiwa.
Nakabuka ang bibig nito na para bang sumigaw pa ito ng sumigaw dahil sa sakit, kitang kita ko sa pwesto ko na pinutol ang dila nito...na binunutan ito ng ngipin.

Humakbang ako papalapit dito nang may pumulupot na braso sa bewang ko, kasabay ng pagtakip ng kamay sa mga mata ko.

"Are you out of your mind! Tinitigan mo na nga, lalapitan mo pa, gusto mo bang di makatulog!"

Nang makita ko ang bangkay, ni hindi man lang ako nakaramdam ng takot o kaba ang puso ko normal lang ang pag tibok at  tanging  kuryusidad lang ang nararamdan ko.

Pero ngayon habang nakadikit ang likod ko sa dibdib ni Tyrrone, habang nararamdaman ko ang pahapyaw na pagdampi ng labi at hininga nya sa tenga ko nuon lang nagkaruon ng reaksyon ang puso ko.

Bumilis na naman ang tibok nito at nag-uumpisa na naman na magtayuan ang balahibo ko sa batok at braso.

Naramdaman ko ang pag-atras namin.

Hinawakan ko ang kamay nya na nakatakip sa mga mata ko.

"Ano ba! Wala akong makita." sabi ko nang pabulong hindi ako makapagsalita ng malakas dahil nasa di kalayuan ang magkasintahan baka akalain pa na baliw ako.

Bumalandra ang mukha nya sa harap ko ng matanggal ko ang kamay nya. Mukha naman nya ang humarang sa bangkay na nasa harap ko.

"Hindi mo ba alam ang ibig sabihin kapag tinakpan ang mata mo? Huwag mong tignan o bawal kang tumingin? Tanga ka ba?" galit na sabi nito.

Makatanga itong multong ito ang sarap bigwasan.

"Tss. Ano naman ang bawal tignan dyan sa harap ko aber?"

"Anong klaseng babae ka hindi ka man lang ba natatakot o naririmarim dyan sa nakikita mo?" sabi nya na takang-taka sa mga nakikitang reaksyon ko.

"Bakit naman ako matatakot patay na sya kahit titigan ko sya ng matagal di na sya babangon para masaktan ako, pangalawa bat ako mandidiri sa itsura nya? Ganon din naman ang itsura ng lamang loob ko. Naawa pa nga ako, hindi ako nandidiri kasi matinding paghihirap at sakit ang dinanas nya!"

Opps lilinawin ko lang hindi ako galit, ang hinahon nga ng boses ko eh. Exclamation point iyan para intense at maintindihan nya ako.

Hindi naman sya nagsalita kaagad bagkus tinitigan nya ako.
At heto na naman naiilang na naman ako sa mga titig nya.

"Kung naaawa ka pala, huwag mo nang titigan dahil walang maitutulong yan, tumawag ka ng pulis!" singhal nya sakin.

Sasagot pa sana ako ng bigla nya akong hilahin palayo sa bangkay.

Hinila nya ako hanggang sa makalapit kami sa magkasintahan na binibigyan ako ng weird na tingin.

"Yeah alam ko mukha akong tanga na kinakaladkad ang sarili ko. Hindi ko kasalanan iyon, kasalanan ng gwapong multo na ito na basta na lang nanghihila."

"Call the police now!" utos nya pa.

Naku kung wala lang talagang tao nakatikim na sya sakin.

Nang hindi ako sumunod kaagad sa utos nya binigyan nya ako ng matalim na tingin.

Magmamatigas pa sana ako kaso bigla nyang inilapit ang mukha sa mukha ko.

Syete naman o! Mahina ako sa ganyanan. Letsugas talaga itong multo na ito.

His Fearless Leigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon