"Alisssssssss." sigaw ng duguang white lady sa harap ko.
Takte naman ang sakit sa tenga.
Tumigil ang White Lady, siguro nagtaka sa kawalan ko ng reaksyon.
"Tapos ka na ba?" tanong ko. Di ko na hinintay na sumagot. "Pasok na ko."
Nilagpasan ko sya iniwasan ko na mapadikit sa kanya baka kasi katulad ito ni Tyrrone pagnapapadikit sakin eh.
"Umalis ka dito!" sigaw ulit nya.
Ibinaba ko ang bag ko sa kama at tinignan sya.
"Miss gustuhin ko man iyang sinasabi mo. Hindi pwede utos ng bossing ko dito daw ako. Kaya dito lang ako."
"Hindi ka ba natatakot sakin?" pinanlisikan nya ko ng mga mata.
Umiling ako.
"Mas nakakatakot ang mahalikan at bumigay."
Nagbago ang expression ng mukha nya mula sa pagiging magbagsik ay naging pagtataka.
"Kayang-kaya kitang saktan. Umalis ka akin ang kwarto na'to. Layasssss!!!"
Ngumiwi ako. Letsugas tumili na naman.
"Ugh...sakit sa tenga Miss hindi nga ako pwede umalis papagalitan ako."
Nagwala na sya.
Pinalipad nito ang isang libro na nakadisplay sa bookshelf na nasa kaliwa ko.
Buti na lang nakailag kaagad ako."Hoy Miss, stop it masakit yan." sige parin sya. "Tigilan mo yan sabi, pumapatol ako sa multo." sabi ko habang sige ng ilag.
Lumapit sya sakin. Iyong lapit ng isang multo na lumulutang sa ere.
Sinakal nya ko.
"Pasaway naman tong white lady na 'to."
Hinawakan ko ang mga braso nya at malakas ko syang sinipa sa tyan. Hindi naman sya masasaktan eh.
Nanlaki ang mga mata nya. Marahil nagulat dahil nagawa ko syang sipain.
Mas lalo syang nagalit.
Sumigaw sya ng pagkalakas-lakas at sabay-sabay na pinalipad ang anim na libro papunta sakin.Awtomatiko naman na itinaas ko ang mga braso ko para salagin iyon.
Iiwasan ko pa ba eh ang dami non.
But then isang mainit na bagay ang pumalibot sakin.
Dito tumama ang mga libro at hindi sa mukha ko.And when i looked up to see who it is. Si Tyrrone ang nakita ko. Yakap-yakap ako at nakayuko sa akin.
"Are you okay? Tinamaan ka ba?" tanong nya.
Awang ang labi na umiling ako.
"Syete heto na naman ang puso ko."
Binitawan nya ako at hinirap ang white lady, habang itinatago nya ako sa kanyang likuran.
"What do you want?" tanong nya sa White lady na nag-aamok.
Wala akong narinig na sagot.
Sumilip ako.
Ayun kaya naman pala, di na sagot nganga ang lola mo sa kagwapuhan ng boss ko.
Pagkatapos bigla syang tumili. Then kumarap lang ako nawala ang bakas ng dugo sa mukha at katawan nya. Luminis at gumanda sya.
"Wow ang galing parang magic. Kaya mo ba yun Bossing?" tanong ko na hindi pinansin ni Tyrrone.
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...