21

26.2K 876 117
                                    

🎶Grenade by Bruno Mars🎶

🎵Gave you all I had
And you tossed it in the trash
You tossed it in the trash, you did
To give me all your love is all I ever asked
'Cause what you don't understand is...🎵

Pasakit.

Iyan ang mailalarawan ko sa araw na ito.

Hindi ko alam na may sa masokista ako, pwede naman kasi akong umalis at ipaputol na lang ang kamay ko, pero ito ang pinili ko, ang maging bodyguard nya at masaktan ng sobra-sobra.

🎵Easy come, easy go
That's just how you live, oh
Take, take, take it all
But you never give🎵

One day pa lang iyan sobrang masakit na.

"Hoy babae bakit nakatanga ka na naman dyan."

"Ha?" Mula sa pakikipagtitigan sa bulaklak na nasa mesa binaling ko ang tingin ko kay Tyrrone.

Nasa restaurant kami. Gabi na at naisipan ni Clarissa na kumain na muna bago umuwi.

Tinanong ni Tyrrone si Clarissa kung ano ang gusto nito, ako alam ko naman na hindi nya ako tatanungin, kaya nagulat ako ng tawagin nya ako.

"I was asking you, ano ang gusto mo? Bakit nakatulala ka dyan?" Kunot noo na sabi nya.

"Ahhh... sorry Bossing may naisip lang ako. Anong order ko?" Binuksan ko ang menu. Saka sinabi kung anong gusto ko.
Limang klase kaagad, takte ginugutom ako sa sakit na nararamdaman ko. Nakakagutom pala kapag nasasaktan ka.

"Patay gutom ka?"

"Tyrrone!" Nababaghan na sabi ni Clarissa, nalilito ito sa ugaling pinapakita ng binata.

"Ito naman si Bossing, patay gutom kaagad hindi ba pwedeng gutom lang." I said sabay kindat sa kanya, na sinuklian nya lang ng kunot noo.

"Gutom ka pala bakit hindi ka nagsabi nang nakakain ka na, kanina pa."

"Ha?" Bigla akong nalito.

"Next time sasabihin mo kung gutom ka na, nang makakain ka."
"O....kay anyare? Bakit may pag ganon sya?"

"Naiintidihan mo ba babae?"

Wala sa loob na napatango ako.

"Good."

Silang dalawa lang ang nagk-wentuhan habang kumakain, ilang beses pa nga akong muntik-muntikan nang mabulunan kapag nagiging sweet silang dalawa.

Iniiwas ko na lang ang tingin ko kapag ganon ang eksena at pasimpleng hinihimas ang aking dibdib para mapawi ang kirot na nararamdaman ko duon.

🎵Oh, I would go through all this pain
Take a bullet straight through my brain
Yes, I would die for you, baby
But you won't do the same🎵

"Tiis pa Leigh."  Kantyaw ng isip ko habang sinusubo ko ang isang buong calamares, kasabay din ng paglapit ng mukha ni Tyrrone kay Clarissa at paghalik nya sa pisngi nito.

Sa gulat ko nalunok ko ng buo ang kinakain ko, and the next thing I knew, hindi na ako makahinga.

Pinalo ko ng malakas ang dibdib ko pero walang bisa andon parin ang bara.

"What the- shit!" Simbilis ng kidlat na nakalapit sa akin  Tyrrone.

He Bend me well forward and give me five back blows with the heel of his  hand between my shoulderblades – checking if the blockage has been removed after each blow.

"Mamatay na yata ako." Naisip ko ng hindi umekto ang ginawa nya.

Umunat ang nagkukulay ube kong mga labi dahil sa kawalan ng hangin para sa isang ngiti.

His Fearless Leigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon