3

28.2K 897 51
                                    

3

Hindi ako makagalaw ni ang pagkurap nga di ko magawa.

Nakalapat lang ang mga labi nya. Tulad ko mulat din ang mga mata nya at nakatingin sakin.

Yung kuryente mas lalong kumalat sa buong katawan ko.

Bakit nya ko hinahalikan?

Bakit tila lalabas ang puso ko sa sobrang kaba.

"Impossible." he said nang bahagyang inilayo ang mukha sa mukha ko.

"How can this be such thing is happening?" dagdag nya pa napatuloy na nakatitig sakin.
"Bakit hindi na lang si Clarissa bakit ikaw pa?"

Kumunot ang noo ko sa narinig sa kanya.

Mabilis ko syang tinulak.

"You! How dare you! First kiss ko yun!"

Nyemas napapa-ingles pa tuloy ako.

"Do that again at sisiguraduhin kong may paglalagyan ka. Double dead ang kakahantungan mo!" Banta ko.

Sya naman ang kumunot ang noo.

"Be her bodyguard para hindi ko na ulit gawin iyon." sumulyap sya sa labi ko.

Tinakpan ko naman iyon ng kamay ko.

Kissing Monster.

"Ayoko!"

Sa gulat ko hinapit nya ako sa bewang at hinila papalapit.

"Then i'll kiss you every time I got a chance. I'll seduce you until you give in. Alam mo bang di ako makalayo sayo ng higit sampung metro. Sa di ko rin malaman na dahilan nahahawakan mo ako at nahahawakan kita and while holding you I can touch things and people too, like what happened a while ago. Nasuntok ko ang ang mukha ng gagong Erick na iyon. So you see I need you, I need you to keep Clarissa's safe. Kaya pumayag kana."

Pilit ko syang tinutulak pero gawa yata sa bakal ang katawan niya at hindi ko magawang makawala.

"Ugh, bitawan mo nga ako. Pumapayag na ko!"

"Talaga?"

"Oo kaya bitawan mo na ako at may sasabihin ako, hindi ako makapag-concentrate kapag ganyan ka kalapit."

Binitawan naman nya ako.

I clutched my chest at huminga ng malalim para pakalmahin ang puso ko.

"Magiging bodyguard nya ko but you need to pay me. Wala nang libre sa mundong ito kahit pa sa multong katulad mo no."

"Okay." simpleng sagot nya.

Wala baliw na talaga itong multo na ito. Okay daw, paano nya ako babayaran eh multo nga sya.

"Wow pare lakas talaga ng tama mo, babayaran mo ko talaga lang ha san ka kukuha ng pera aber?"

Ayan na naman nagsimula na naman syang lumapit. Putek baka bigla na lang ako mangisay dito dahil inatake na ko sa puso.

"Ano na naman?" singhal ko sa kanya ng sige parin sya ng lapit.

"Kapag sinabi kong babayaran kita, babayaran kita. Im a man of my word!" tuluyan na naman syang nakalapit sakin.

"Oo na...Oo na." Nyemas naman, itinukod ko ang kamay ko sa dibdib nya. Syete ang tigas ng dibdib.

Hindi parin sya lumayo, pinagmasdan lang ako. Bumalik tuloy sa isip ko iyong halik kanina.

"Im Tyrrone Jigs Elmundo. 25years old. You can search me para malaman mo na di ako basta-bastang tao."

Search? Bakit di na lang sya ang magsabi sakin.

His Fearless Leigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon