"Are you out of your mind!" napangiwi ako sa sigaw na iyon ni Eizen.
Namumula ang mukha nya dahil sa pagkainis sakin.
Eizen Kurt Alonzo. Kahit minsan sunod-sunuran sya sakin, iba parin sya pagnanagalit.
Medyo protective sya sa amin ni Jonalyn. Itinuturing ko syang kuya kahit na nga magka-edad lang kami.
Bibihira iyong mga ganitong pagkakataon na galit na galit sya sa mga desisyon ko.
"Itataya mo ang buhay mo para lang sa kanya?" dagdag pa nya na itinuro si Clarissa, na bumakas ang inis sa mukha habang tinuturo ni Eizen.
"Geez relax Eiz." sabi ko na napaubo. Syete talaga itong ubo na ito.
"Hindi ako nakikipagbiruan Leigh."
Bumahing naman ako.
"Sino bang nakikipagbiruan? I'm serious. Babantayan ko sya at titiyakin na ligtas kahit pa maging kapalit nuon ay ang buhay ko." I said habang kinukoskos ang ilong.Nagtama ang mga mata namin ni Tyrrone.
"Siguro naman kuntento ka na?" iyon ang mensaheng pinaparating ng mga mata ko bago ko inalis ang tingin sa kanya.
"Leigh..."
"Hindi ako pumapayag Leigh." singit ni Clarissa.
"Hindi kaya ng konsensya ko na malalagay ka sa panganib ng dahil lang sakin...sorry hindi ako payag kahit...kahit pa bilin iyon ni T-tyrrone."
Inis kong ginulo ang buhok ko.
"Naman ilan ulit ko bang sasabihin na pumayag ka man o hindi bodyguard mo na ako, na sayo na yun kung gugustuhin mo o hindi, basta ako babantayan kita." binalingan ko si Eizen.
"At ikaw kahit magalit ka dyan at sigawan ako, its final. Ang Kailangan mo lang gawin ay makipagkilala kay Clarissa dahil magiging acquaintance kayo sa mga susunod na araw."
"What do you mean?"
"Kasama kita sa project." sagot ko.
At yes Eizen is D&A too.
Halos sabay kaming pumasok nauna lang ako ng konti.Walang alam si Jonalyn tungkol duon kahit ang pamilya nya o ang pamilya ko.
Nanlaki ang mga mata nya.
"What pati ako magbabantay sa...sa spoiled na yan!"
Nanliit ang mga mata ko.
Parang may kakaiba kay Eizen di ko lang maisip kung ano.
Tumango ako.
"Yup so Eizen meet Clarissa Santañes ang babantayan mo, Clarissa si Eizen Kurt Alonzo sya ang bodyguard mo kapag wala ako sa paligid-ligid." pagpapakilala ko sa dalawa.
Kinuha ko parehas ang kamay nila at pinagkamay sila.
Napapitlag sila dahil duon.Dalawang kilay ko ang tumaas sa nakita kong reaksyon nila.
"So Eiz ikaw muna ang bahala sa kanya may aasikasuhin pa ako. I'm serious don't let her out of your sight. Nasa panganib talaga ang buhay nya. Babalik ako kaagad."
Bago pa sila nakapiyok nakalabas na ako ng classroom.
Derederetso akong naglakad.
Patawid na ako ng garden ng may humawak sa kamay ko at pigilan ako.
"Ouch!" nyemas naman kung makahaltak parang wala akong sugat.
Sino pa ang gagawa ganon sakin, kundi ang gwapong multo na walang pakialam sa katawang lupa ko.
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...