Naiinip na humikab ako habang nakatalungko sa mesa at napapapikit . Absent ang professor ko sa subject na iyon kaya kanya-kanya ng gingawa ang mga classmate ko habang ako naiinip.
Napaka ordinaryo ng araw na ito.
Walang kahit anong especial na nangyayari. Walang kompetisyon na lalabanan. Walang kaaway na aasarin o hahamonin.Bumuntung-hininga ako at pumikit.
"Are you Leigh?"Iminulat ko ang mata ko ng may bumanggit sa pangalan ko.
"Fearless Leigh ikaw ba iyon?"
Isang estudyante na may kulay kalawang na buhok ang nakatayo sa harap ng upuan ng classmate ko na si Dan.
Mabilis na umiling si Dan. At itinuro ako. Hindi ko sya masisi dahil itsura lang nang nagtatanong sa kanya nakakatakot na at mukhang may masama pang balak. Lalo na at may tatlo estudyante pa ito kasama.
Tinignan ako ng lalaki bago muli niya binalingan si Dan, hinawakan ang kuwelyo at hinila patayo.
"Pinagloloko mo ba ako?"
Mabilis na umiling si Dan. "H-hindi po s-sya talaga si Leigh."
Uminat ako at dumeretso ng upo.
"May kailangan ka?" tanong ko.
Tumingin ulit sakin ang lalaki.
"Ikaw ba si Leigh?"
"The last time I checked my name is Leigh, may kailangan ka?" Ulit ko.
Natawa sya.
Ano kaya iyon di naman ako nagpapatawa.
Lumapit sya sa upuan ko at naupo sa mesa, itinaas ang isa paa sa kabila upuan.
"I don't believe it ikaw si Fearless Leigh? Si Fearless Leigh ay isang babae?" Hindi makapaniwala sabi niya.
Hindi ako umimik, tumaas lang ang mga kilay.
"This is going to be exciting."Bigla niyang inilapit ang mukha sa mukha ko.
"Im Rico Lenario. Andito sana ako para yayain ka mag karera, but now, knowing you are a girl. Mukhang mas masarap kang syotain.
Lakas pala ng sapak nito eh.
Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya. "Pwede pakilayo iyang mukha mo hindi ka pa yata nag to-toothbrush, ang baho lang Pre."
Bahagya nanlaki ang mata ni Rico kasabay ng mahinang tawa ng mga estudyante na nanunuod sa amin.
"You have a guts huh, dont you know who I'am?"
Pakialam ko sayo.
"No."
"Ako lang naman ang kapatid ni Bernard na tinalo mo sa car racing last month."
"Bernard? Ah, iyong natalo ko ng 20k."
"Buti naalala mo sya. Oo si Bernard. Naandito ako pa iganti sya. I'll defeat you. Sisiguraduhin ko iyan. Isa pa pala, dahil nalaman ko isa ka babae. Sisiguraduhin ko din na magiging akin ka."
Isang napakalakas na tawa ang pinakawalan ko habang tumatayo.
"That's good to hear naiinip narin ako." Sinuot ko ang bag ko. "Lets go huwag na natin patagalin ito." I said with a smirk playing on my lips
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...