Para po sayo @BitchGurls24. Salamat sa support.
******
"Love Moves In Mysterious Ways by Nina
Who'd have thought this is how the pieces fit
You and I shouldn't even try making sense of it
I forgot how we ever came this far
I believe we had reasons but I don't know what they are
Don't blame it on my heart, oh[Chorus:]
Love moves in mysterious ways
It's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days
But still it's a mystery
How you ever came to me
Which only proves
Love moves in mysterious ways
Heaven knows love is just a chance we take
We make plans but then love demands a leap of faith
So hold me close and never never let me go
'Cos even though we think we know which way the river flows
That's not the way love goes, noLike the ticking of a clock two hearts beat as one
But I'll never understand the way it's done, oh*****
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang kwento nya.
"Ikaw yon!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Seryoso ikaw iyong manyakis na baliw na iyon Bossing-Aray!" Pinitik nya ako sa noo.
"Pervert maniac talaga. Hindi ka man lang kinilig?"
"Aray naman , sinong kikiligin sa ganon Bossing? Buti nga hindi kita binalibag eh." Sabi ko.
Totoo naman kung normal na babae ako at normal ang mga reaksyon ko. Baka nasapak ko na sya o nagsisigaw na ako. Bigla ka ba namang yakapin at halikan.
"Really." Sya madilim ang mukha.
"Oo. But may isa pa akong dahilan kung bakit hindi kita tinulak noon."
"What?"
Yumuko ako.
"May naramdaman akong kakaiba." Pinaglaruan ko iyong tela ng puting t-shirt nya duon sa may tapat ng dibdib. "Nang hawakan mo ako bumilis iyong tibok ng puso ko. Nang halikan mo ako libo-libong kuryente ang naramdaman ko. Pilit ko ngang sinisilip mukha mo pero dahil hindi ko nakita. Iyong laman ng panaginip at pagpapantasya ko ay isang lalaking walang mukha at nakasuot ng sumbrero."
Hinalikan nya ako sa tungki ng ilong.
"Nang maging multo ako nakalimutan kita. Nang bumalik ako hindi parin kita maalala at iyong mga pinagsamahan natin ng kaluluwa pa ako nawala din sa aking memorya. Naalala ko lang ang lahat-lahat ng pansamantalang naging multo ulit ako."
"Pero bakit biglang hindi na kita nakita?" Tanong ko.
Itinaas nya ang kaliwang kamay.
Nanlaki ang mga mata ko.
Bakit hindi ko napansin na hindi ko na suot-suot iyon?
"Hindi ko alam. Wala rin akong paliwanag kung bakit napunta ito sayo." Tinanggal nya bracelet at sinuot sa akin. "All I know is our love was mysterious. Maraming nangyaring kababalaghan sa atin na mahirap ipaliwanag, but I don't give a damn! Ang mahalaga sa akin ka. Akin na!" Saka nya ako sininasib ng halik.
Yeah. Wala narin akong pakialam kung paanong nangyari ang lahat ng kababalaghang iyon. Pinagpapasalamat ko pa ang mga nangyari.
Natagpuan ko sya. Natagpuan nya ako. Pinagtagpo kami ng tadhana... iyon ang mahalaga.
*****
Mahigpit ang hawak ni Tyrrone sa kamay ko habang nakaupo kami sa bahay ng aming sala at hinihintay na lumabas si Tita at Papa sa kwarto nila.
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...