35.

33.6K 931 58
                                    

Beware ***SPG ahead***

For emia14260 nag naglike sa bawat chap ng His Jinxs Butterfy. Thanks po😊

****

Fuckshit! Nagdidilim talaga ang tingin ko sa bwisit na haliparot na ito.

Nakakapanginig talaga sa galit.

"Shit! Stop it Marina!" Palag naman ni Tyrrone na pilit na tinutulak ang babae.

Si Marina naman ayaw bumitaw ang higpit-higpit pa ng hawak sa batok ni Tyrrone.

Balian ko kaya ng buto para masaya!

"Why? Hindi ba kaya andito ka kasi sinundan mo ako, narealize mo na ako ang mahal mo at hindi iyong cheap na Leigh na iyon." Maarteng sabi ni Marina na nang-aakit pa ang boses.

Eh gaga pala talaga 'to. Ano! hindi nya ako nakikitang kasama ngayon ni Tyrrone.

"Fuck off Marina kasama ko si Lei--."

Tangna! At umisa ka pa talaga ulit.

Inis na hinablot ko ang braso si Marina, na muling hinalikan si Tyrrone.

Pinilipit ko ang kamay nya.

"Ouch! Ano ba! Bitawan mo ako!"
Binitawan ko naman sya at pumuwesto sa pagitan nila ni Tyrrone. Mahirap na baka masunggaban na naman ng haliparot na ito ang babe ko.

"Who are you!" Galit na sabi ni Marina. Tinignan ako mula ulo hanggang paa.

May kung anong kumislap sa mata ng babae na kung hindi ako nagkakamali ay inggit.

"I told you kapag hinalikan mo pa si Tyrrone manghihiram ka talaga ng mukha sa aso, last warning Miss isang halik pa, talagang emergency room ang bagsak mo."

Kumunot ang noo ni Marina. Muli akong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Leigh..." tawag ni Tyrrone sakin pumalibot ang kamay sa bewang ko. Naramadaman siguro nya kung gaano ako kaseryoso sa banta ko.

"Leigh?" Ulit ni Marina. "Ikaw si Leigh iyong babaeng cheap na girlfriend ni Tyrrone." ni head to foot nya ulit ako. Pagkatapos ngumisi sya. "Desperada ka na, ba't nagsusuot ka ng ganyan? Mukha kang pokpok." Pang-aasar nya.

Imbes na mainis ngumisi rin ako.

"Kung pokpok ako ano ka pa? Saka huwag tayong sinungaling sa sarili natin nakakabaliw iyan. May nabasa akong inggit dyan sa mga mata mo. Obvious na obvious na inggit ka sa katawan ko."

Pasensya na ayaw kong isampal sa mukha nya iyon pero pinipikon talaga ako ng bwisit na haliparot na ito.

"Huh ang kapal ng mukha mo! Me! Maiinggit sayo? Sayo na wala man lang sa kalingkingan ko! Dream on girl. Sa atin dalawa ikaw ang naiinggit sa akin. Alam mo kung bakit? Dahil alam nating pareho na ako ang bagay kay Tyrrone at hindi ikaw na walang kwenta!" She said with a matching point finger pa.

Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito.

Humakbang ako papalapit.

"Don't Leigh." Pigil ulit ni Tyrrone sa akin. Humigpit ang hapit sa bewang ko.

Huminto naman ako sa paghakbang. Matiim na tinignan si Marina.

Saka ako muling ngumisi sa kanya.

"Really? Kayo ang bagay? Pero bakit kapag hinahalikan mo sya parang may bad breath ka kung itulak nya."

Maingay at magulo parin ang paligid namin. Nasa gitna parin kami ng dance floor. Good thing masyadong busy ang mga tao rito para pansinin ang drama naming tatlo.

His Fearless Leigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon