Kabanata 7Killer P.O.V
Galit na galit ko! Inagaw nya ang laruan ko. Ang ayoko sa lahat inaagawan ako ng laruan.
Ang babaeng iyon, ang babaeng deretsong tumitig sa mga mata ko ng walang takot. Pamilyar sya. Pamilyar sakin ang mga mata nya.
Pero di ako papayag na tuluyan nyang maagaw laruan. Akin ang laruan na iyon.
At kapag ginusto ko kukunin ko, kapag laruan ko akin lang!
Babawiin ko sya babawiin ko ang laruan ko!
At ang babaeng iyon, makikipaglaro ako sa kanya tignan ko lang kung makatagal sya sa laro ko...
*****
Leigh P.O.V"Ano na naman kaya ang problema ng gwapong multo na ito?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad papalabas ng street namin.
Nakatitig lang kasi sya sakin.
Take note nakakunot noo pa sya.
"Where is your mother?"
"Ha?" huminto ako sa tapat ng bus stop at tinignan sya. Ako lang ang nakatayo dun kaya libreng-libre ako na sumagot sa tanong nya.
"Where's your mother?" ulit naman nya.
"Ah, si Mama ko. Wala na patay na sya." sagot ko na tinatanaw ang bus kung paparating na.
"Paano sya namatay?"
Sa tanong nyang iyon napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Pinatay daw sya."
"Pinatay? Paanong pinatay? Kasama ka ba ng mangyari iyon? Sinong pumatay sa kanya?"
Bakit ang dami nyang tanong?
"Eh." kumamot ako sa batok.
"Hindi ko alam bossing eh. Sabi nila kasama daw ako ni Mama ng pinatay sya. Hindi ko rin alam kung bakit pinatay sya, at kung sino ang pumatay sa kanya, hindi naman kasi nahuli."Ilang sandali syang nanahimik.
Tumingin sya sa malayo.
"Eh bossing bakit mo naitanong?"
Tinignan nya ako. Hindi ko maintindihan, bakit nagagalit sya?
"Wala ka nang pakialam kung gusto kong magtanong. Mabuti pa kumilos ka na dyan baka balikan si Clarissa ng sira-ulong killer na iyon."
O di ba, di ba. Pag sya nagtanong okay lang kapag ako magsusungit sya. Tss lakas ng talaga ng tama nya.
"Ahchooo." napabahing ako. Hay mauuwi yata sa sipon ang sakit ko, kakainis nga namamalat pa ko.
Bakit kasi ang lakas-lakas ng hangin ngayon giniginaw tuloy ako.
Mula nama sa tagiliran ko lumipat si Tyrrone sa harap ko literal na nasa harap ko sya iyong dulo ng paa nya nakadikit na sa dulo ng paa ko.
Umatras ako pero hinawakan nya ako sa bewang.
Dugdug...dugdug...dugdug...
"Hindi ko alam kung tanga ka o sadyang bobo lang! Alam mo naman na may sakit ka lalabas ka ng bahay na nakat-shirt at nakapantalon lang!" hinaharangan ng katawan nya ang malakas na ihip ng hangin.
"Bossing kalma naman ang aga-aga high blood ka." sinubukan ko syang itulak dahil hindi ko na naman mapakisamahan ang tibok ng puso ko.
Hindi naman sya bumitaw.
Naman talaga!
"Bossing bitaw na andyan na iyong bus." nginuso ko iyong bus na paparating na.
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...