Salamat @im_asul sa BC. Ang cute😊😊 thanks kimboy hahahah.
*****
Dahil hindi ako pinayagan makaalis ng magaling kong Boss nganga ako dito sa kwarto.Hindi pa sya bumabalik at hindi ko alam kung saan lupalop sya naruon.
"Bakit excited kang makita sya ulit?" Kutya ng isang bahagi ng isip ko.
"Hindi ah."
Eh sino bang niloloko ko?
Gusto ko syang makita talaga.
Kalalabas nya palang gusto ko na syang bumalik.
May kumatok sa pintuan.
Napabalikwas ako ng upo sa pag-aakalang si Tyrrone iyon.
"Ford?"
"Hello again Leigh. Asan iyong mahigpit mong bantay?" Nakangiti nyang tanong habang papalapit sa akin.
Kibit-balikat ang sinagot ko.
"Akala ko umalis ka na."
"Nah." Umiling sya. "Sinundan ko kayo, hindi ako nakapagpaalam ng maayos kaya sumunod ako. Mukha kasing hindi ka papayagan ng bantay mo na umalis eh. Is he your boyfriend?"
"Ay naku hindi." Umiling ako. "Amo ko sya."
"Amo?"
"Oo."
Naghintay sya na dugtungan ko ang sagot ko pero hindi na ako nagsalita.
"Ah... nakalimutan kong itanong ano nga pala ang ginagawa mo rito sa hospital, doctor ka ba?" tanong ko.
Hindi naman sya nangulit sinagot na lang nya ang tanong ko.
"No may dinalaw lang akong kaibigan."
"Ahh... okay."
Ngumiti sya.
"Can I get your number? Para naman may communication tayo."
Wala naman akong nakikitang masama duon kaya binigay ko.
"Thanks. Magpapaalam na ako para makapagpahinga ka." Paalam nya.
"Sige ingat ka."
Nang makalabas sya muli akong nahiga.
Then narinig kong tumunog ang cellphone ko.
Get well soon Leigh😁😊
---Ford.
Napangiti ako at mabilis na nagreply sa text nya.
Thanks😊
---Leigh
Nakangiti kong inilapag ang cellphone. Eksaktong nailapag ko na iyon ng bumukas ulit ang pinto at inulwa ang doctor.
Doctor na pamilyar sakin ang mukha.
"Polo?"
Napatingin din sya sa akin at nanlaki ang mga mata.
"Hey Miss...?" Mabilis syang lumapit sakin.
Naupo ulit ako.
"Its Leigh."
"Hi Leigh. I'm Polo Dizon your doctor."
Ngumisi ako. "Hi Doc."
Tumawa si Polo.
"What happened to you ang alam ko nabilaukan ka lang, how come na nandito ka na sa hospital?"
"Ah mahabang kwento eh. Pero two days na ako dito."
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...