29

27.4K 906 107
                                    

Para po sa inyong mga Silent reader ko:) salamat sa pagbabasa and I hope na sana marinig ko ang mga opinyon nyo😊😊😊. Thankie po

*****

"What the fuck!" Halos mapatid ang litid ko sa ginawa kong pagsigaw sa harap ng boss ni Leigh na si Angela.

"Huwag mong sigawan ang asawa ko Mr. Elmundo kung ayaw mong itapon kitang palabas dito." Mahina pero bakas ang galit na sabi ni Dylan Santiago sa akin na katabi ni Angela.

Tinignan ko lang sya.

Damn! Wala akong pakialam sa kanila.

Si Leigh...si Clarissa...

"It's okay Ylan." Sabi naman ni Angela na humawak sa braso ng asawa.

"Please pakipaliwanag paanong naging hawak sila ng kriminal na iyon?" Pilit na pinapakalma ang sarili na tanong ko.

"Pinasok ng gagong iyon ang bahay nina Clarissa. Dinukot sya." Nakatiim bagang sabi ni Eizen.

"Si Leigh..."

"Si Leigh ang gusto ng smiley man na iyon. Pain lang si Clarissa. Tinawagan nya si Leigh para iligtas nito sya."

Napakuyom ang kamao ko.

"Nagpunta si Leigh."

"Damn!"

Gusto kong magwala. Pumasok sa isip ko iyong mga itsura ng mga naging biktima ng pesteng kriminal na iyon.

Naninikip ang dibdib ko. Isipin ko pa lang na mangyayari iyon kay Leigh, nanginginig na ako.

At si Clarissa... shit! Ano ng nangyayari sa dalawa sa mga oras na ito.

"Nasaan sila?"

"Tina- track na ng tracker namin ang GPS ni Leigh, sa nga ngayon wala tayong magagawa kundi ang maghintay."

Napapikit ako.

Kanina lang ka text ko pa sya, kagabi lang kausap ko sya, inamin namin na mahal namin amg isat-isa, kagabi lang ang saya-saya ko, tapos ngayon...

Fuck!

Fuck!

Fuck!

Ano 'to iyong katulad sa mga pelikula na kapag nagkatapatan na iyong dalawang bida may mangyayari.

Mamatay iyong lalaki? Iyong babae?

Damn hindi ko yata kakayanin kapag nangyari iyon!

"Pogi alam ko na kung nasaan sya." Napatingin ako kay Elizabeth na biglang sumulpot sa kung saan.

Bigla akong napatayo na kinagulat nina Angela, Dylan at Eizen.

"Where!"

Sinabi niya ang lugar.

"Okay ka lang ba Elmundo?" Si Dylan.

"I know where they are."

"Ha?" Sila

"Alam ko na kung nasaan sila."

"Paano mo-?" Naguguluhan na tanong ni Eizen.

"Maniniwala ka bang isang multo ang nagsabi sa akin kung nasaan sila?"

"What!" Tinignan nya ako na para akong nababaliw.

"Are you insane?" Tanong nya pa.

"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin, na sayo kung maniniwala ka."

"The fuck-!" Sya

"Yes pare fuck! But hear this kahit demonyo ang nagsabi sa akin kung nasaan si Leigh papaniwalaan ko mailigtas ko lang sya. Lahat papaniwalaan ko para mahanap at mailigtas lang ang babaeng mahal ko. Ayaw kong magsayang ng oras dahil hindi natin alam kung ano nang ginagawa ng gagong iyon sa kanila!" Pagkasabi ko nuon, mabilis akong tumakbo palabas ng DQ papunta ng sasakyan ko.

His Fearless Leigh Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon