Nagising ako nang marinig ko ang sigaw na malapit na kami sa Dawnson University.
Nagmulat ako ng mga mata.
Una kong napansin ang tatlong kalalakihan na nakatayo sa bus.
Eh? Bakit nakatayo sila eh may bakante pa dito?
Umayos ako ng upo saka ko lang napansin ang isang braso na nakapatong sa hita ko.
Namula bigla ang pisngi ko ng makilala ko kung sino ang may-ari non.
Sino pa? Eh di ang supladong multo na prenteng-prente na nakasandal at nakapikit.
Natutulog din pala ang mga multo?
Hindi ko alam kung bakit nakadantay pa ang kamay nya sakin.
Pero huwag ka ang puso ko parang tinatambol na naman sa lakas ng tibok.
Lumunok ako, gusto kong alisin ang kamay nya, pero ayaw ko naman maalis ang init na hatid niyon.
"Sige landi pa more Leigh."
Para maalis ang atensyon ko sa agiw na nagsisimula nang kumalat sa aking utak tinanong ko ang isang lalaki na malapit sa upuan ko.
"Ah excuse me po kuya bakit hindi po kayo maupo dito sa tabis ko bakante po naman?"
Tumingin sakin si kuya na napa kamot ng ulo nyang kalbo.
"Naku! Ineng eh may sa maligno yata iyang upuan mo hindi kami makaupo eh, may tumutulak sa amin."
Hanu raw? Maligno? Tumutulak?
Napabalik ang tingin ko sa katabi ko na ngayon ay nakamulat na at deretso lang na nakatingin sa harap, ang kamay nya nakapatong parin sa mga hita ko.
Parang alam ko na kung ano ang nangyari at kung sino ang maligno na tinutukoy ni kuya.
Inilabas ko ang cellphone ko at nagt-type duon.
Bakit ayaw mo magpa-upo?
Pasimple kong kinalabit si Tyrrone at pinabasa sa kanya ang tinayp ko.
As usual salubong ang kilay na binasa nya iyon.
"They're boys." maiksing sagot nya.
Anong klaseng sagot yun.
So.
Type ko ulit.
Sa pagkakataong iyon sakin na bumaling ang tingin nya.
"Anong so? Ikaw na babae ka tatanga-tanga talaga kung di mo napapansin babae ka at lalaki sila paano kung manyak ang makatabi mo, ang hilig mo pang matulog!"
Teka...wait... Hindi ko magets.
Ayaw nyang magpaupo sa tabi ko kasi ayaw nyang mamanyak ako? Ganon ba iyon? Tama ba ang intindi ko?Lumuwang ang ngiti ko, so nag-aalala sya. Concern sya sakin.
Hindi ko maintindihan pero parang may kung anong humamplos sa puso ko dahil duon.
Concern ka sakin?
Pinabasa ko ulit iyon sa kanya.
Nakita kong natigilan sya, bago tumawa.
"Concern ako? Sayo?" tinignan nya ako umiling pagkatapos tumawa ulit. "Dream on Miss. I'm not concern. You're the only one who can see me, the only person na magagamit ko para mabantayan si Clarissa iyan lang ang concern ko at wala nang iba. Don't think to far."
Aray! Ouch! Ang shaket!
Iyong maluwang kong ngiti unti-unting nawala.
"Assuming much ka kasi Leigh."
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...