Dedicated to Venom_midnight na isa sa mga na ka-chat ko sa fb thanks sa support Bhe😊.
*****
Gusto kong magtatalon sa tuwa ng makakita ako ng talyer pagkatapos kong maglakad ng halos dalawang oras sa gitna ng malakas na ulan.Kahit nanginginig sa lamig at nahihilo, pinilit kong makarating sa entrada ng shop.
"T-tao po." Sigaw ko sabay kalabog ng gate.
Hindi kaagad lumabas ang may-ari, marahil tulog dahil malalim narin ang gabi, ilang minuto pa ang lumipas bago may lumabas.
Then after that mabilis na ang mga sunod na pangyayari.
Dahil narin sa pinsala ko, hindi na ako pinasama ng may-ari ng talyer na si manong
Rodolpo Soriano limampung taong gulang na may malaking katawan, nagsama na lang sya ng limang tauhan.Si Aling Dulce na asawa ni Manong Rodolpo, pilit na pinagpapalit ako ng damit at tignan ang sugat ko sa noo na tinanggihan ko, hindi ako makakaupo at makakapagpahinga ng maayos hanggat hindi ko sila nakikita.
Nasa labas ako ng talyer, walang pakialam kahit nababasa parin ako ng ulan.
Napapailing na lang sakin si Aling Dulce.
Higit kalahating oras bago ko narinig ang sasakyan ni Mang Rodolpo.
Unang bumaba ang isa sa mga tauhan niya at inalalayan ang namumutlang si Clarrisa.
Humakbang ako papalapit para lang muling mapahinto ng sunod na lumabas si Mang Rodolpo na inaalalayan si Tyrrone na may malay na.
Namumutla rin sya at may bakas pa ng dugo sa ulo, his face is tired, but then nagkaroon ng kakaibang kislap ang matamlay nyang mga mata ng makita akong nakatayo limang hakbang mula sa kanya.
Umalis sya sa pagkakaalalay ni Mang Rodolpo at humakbang papalapit sakin.
Humakbang din ako papalapit, iyong mga mata ko nasa kanya at ganon din sya sakin.
Nakaramdam ako ng pagkahilo, dalawang hakbang ang layo mula sa kanya, pumalya ang hakbang ko at matutumba sana kung hindi lang sa mabilis na pag-alalay ni Tyrrone.
Pasandali akong napapikit bago mabilis na nagmulat at aktong lalayo.
Humigpit naman ang hawak nya sa aking mga braso, hindi ko tuloy magawang makalayo sa kanya.
Tumaas ang kamay nya at hinawi ang mga buhok na tumatakip sa sugat ko sa noo.
Gumuhit ang iritasyon sa namumutla nyang mukha.
"You are really stupid." Bulong nya.
Sumilay ang mabining ngiti sa mga labi ko, after that wala na akong namalayan pa.
*****
Una kong napansin ay ang nurse na abala sa pag-aayos ng hospital bed na kinahihigaan ko.
Sa pagmulat kong iyon nasilaw pa ako sa liwanag ng fluorescent lamp.
Kumurap-kurap ako ng ilang beses bago ako nakapag-adjust sa liwanag.
Muli akong napapikit, hindi dahil nasisilaw ako kung di dahil naman sa kirot na nagmumula sa noo kong may benda na.
"Aww naman!" Daing ko, putek parang minamaso ang ulo ko!
Ilang ulit akong huminga ng malalim para pamanhirin ang aking pakiramdam. Nang maramdaman kong nawawala na ang sakit muli akong nagmulat ng mga mata.
Sa pagkakataong iyon nakatingin na sa akin ang nurse.
"Gising ka na pala." Nakangiting sabi ng Nurse sa akin na sinagot ko rin ng isang ngiti.
"Hello." Sabi ko habang kumikilos para maupo, nauuga ang suwero na nasa tabi ko at nakakabit sa akin sa galaw kong iyon.
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...