Parehas kaming nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa isat-isa.
Alam kong hindi lang mukha ko ang namula siguradong buong katawan ko rin, dahil sa binibigay nyang titig sakin.
"Anong tinutulala mo Leigh! Kumilos ka! Binabandera mo na ang buong katawan mo sa kanya!"
Sabay kaming napapitlag ng biglang tumikhim si Damien na pinapanood kami.
Mabilis na kumilos si Tyrrone, naharap nya na si Damien at malakas na sinigawan.
"GET OUT!!!" dumagundong talaga ang boses nya sa bawat sulok ng banyo.
Kaya hindi na ako nagulat ng takot na takot at mabilis na naglaho ang manyak na multo.
Di parin ako kumikilos, na shock yata ang utak ko sa mga pangyayari.
Humarap ulit sakin si Tyrrone. Pormal na ang mukha at wala akong mabasang kahit ano.
Deretso lang syang nakatingin sa mga mata ko.
Then yumuko sya, dinampot ang tuwalya na nasa paanan ko.
Pagkatapos ay binalot nya iyon sa katawan ko.Saka lang ako naging aware sa mabibigat nyang paghinga. Pati narin sa init ng mga titig nya.
Ang mga kamay nya nasa balikat ko parin.
"B-bossing..."
"Next time sa loob ka na ng shower magbihis, huwag kang gumala ng nakatuwalya lang dahil may kasama tayong multong gago." Galit na sabi nya habang dumidiin ang kapit sa balikat ko, dahilan para mapalapit ako ng bahagya sa kanya.
Humahampas ang hininga nya sa mukha ko. Parang gusto ko tuloy mapapikit.
"And nex time huwag kang magpapakita ng nakaganyan sakin kung ayaw mong angkinin kita ng di oras!"
Boom!!!
Para akong sinabugan ng bomba sa mga narinig ko, o tama ba ako ng pagkakadinig sa sinabi nya.
Hindi pa nakakapag process ang utak ko isang mariin na halik naman ang binigay nya sa akin, saglit lang at nang humiwalay sya isang kagat sa lower lip ko sng binigay nya.
"Ayusin mo ang sarili mo, may bubugbugin lang akong multo." He said bago sya naglaho.
Puwede bang mqglupasay?
Puwede bang matunaw na lang sa kahihiyan. Nyemas di pa nga nangangalahati ang araw ko naka two points kaagad ako sa kahihiyan.
"Kung ayaw mong angkinin kita ng di oras."
And what the heck did he mean by that?
Ugh mas malala pa sa hang over ko ang mga nangyari! Wooo ang sarap maglasing ulit.
****
Humihingal at nagpupunas ng pawis na kumuha ako ng tubig sa ref.Buong araw kong hinanap ang memory card dito sa Villa. Sinabayan ko na nga ng linis. Ang kaso nalinis ko na lahat ng palapag at inabot na ako ng alas-singko ng hapon wala parin akong nakitang memory card.
Binaba ko ang iniinom ko at inilibot ang tingin sa kusina.
Mula pa rin kanina ni isang anino ng tatlong multo na kasama ko di ko nakita.
Maghapon din iyon. Wala naman ako paki dun sa malandi at manyak na multo ang gusto kong makita ay ang bossing ko.
"Wow Leigh ha. Maka Bossing ko talaga ikaw ha, inangkin teh. Bakit may mukha ka na bang ihaharap sa kanya ha."
Pinilig ko ang ulo ko ng bumalik ang eksena namin kanina.
Gusto ko syang makita pero di ko naman alam kung paano ko sya haharapin.
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...