5.
"Maraming salamat sa pagligtas mo sa anak ko."
Isang ngiti lang ang sinagot ko kay Mr. Gilbert Santañes.
Andito na kami sa Green Village sa loob ng Mansion ng mga Santañes.
Nang makatawid kami ng bakod at nawalan ng malay si Clarissa may napadaan na patrol cars, nakita nila kami at tinulungan.
Tinawagan ng isa sa mga ito si Mr. Santañes.
Masasabi kong malakas at makapangyarihan na tao si Mr. Santañes dahil hindi kami sa presinto dineretso kundi dito nga sa mansion sinabihan lang nya ang mga pulis na bukas na lang kami imbestigahan.
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari kitang-kita ko ang pagbakas ng takot sa mukha ni Mr. Santañes habang nagk-kwento ako.
Nasa kwarto kami ng walang malay parin na si Clarissa.
Kung ang hinahanap nyo naman ang supladong multo, well nasa tabi sya ng kama nakatayo at nakatingin kay Clarissa.
"Natatakot ako para sa anak ko, base sa kwento mo babalikan pa sya ng nakamaskarang iyon, hindi ko alam kung paano ko sya mababantayan, wala na si Tyrrone wala nang magtatanggol sa kanya. Ayaw naman nya ng bodyguard."
"Ah Mr. Santañes regarding that, willing po akong bantayan si Clarissa." sabi ko.
"Ikaw?"
Tumango ako. "Don't worry po kaya ko syang ipagtanggol, itataya ko po ang buhay ko para sa kanya."
Napatingin sakin si Tyrrone.
"Hija huwag mo sanang mamasamain ang itatanong ko, kaya mo ba talagang ipagtanggol ang anak ko. Babae karin at mas matangkad pa si Clarissa ko sayo."
Ngumiti ako.
"I can sir at nasubukan nyo na, nakaya ko syang ipagtanggol kanina kung hindi parin kayo kumbinsido..." kumuha ako mula sa basa kong bag ng papel at ballpen nagsulat ako duon at pagkatapos ay inabot ko sa kanya. "Here po, you can call this number to vouch for me."
"D&A? If i am not mistaken ito ang kilalang Security and Trouble Shooting Agency hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa?" sabi niya "Are you working for them? To The Santiago ?" admiration at di pagkapaniwala ang nasa mukha ni Mr. Santañes habang nakatingin sakin.
I crossed my arms medyo nilalamig na dahil sa bahagya pa akong basa.
"You can find that out sir kapag tinawagan nyo ang number na yan."
Muling tinignan ni Mr. Santañes ang kapirasong papel na hawak nya.
Si Tyrrone naman sakin parin nakatingin.
Bat ganyan na naman sya makatingin. Kaloka talaga itong multo na 'to.
"Ms. Rozul bakit mo gagawin ito?"
Dahil pinilit ako ng masungit, at kissing monster na gwapong multo na yan.
Syempre hindi yan ang isasagot ko.
"Sabihin na lang ho natin na may utang akong dapat bayaran kay Mr. Tyrrone Jig Elmundo." sinadya kong diniinan ang words na utang nang ma-realize naman ng multong ito na mababaon sya ng maraming utang sakin.
"Kay Tyrrone?"
"Yes sir kay Mr. Elmundo may utang po ako sa kanya at nakita ko ang opurtunidad na ito para makabayad." sabi ko pa.
Kumunot ang noo ni Mr. Santañes sa pag-iisip tungkol sa mga sinabi ko.
Tumayo sya mula sa pakakaupo sa gilid ng kama ni Clarissa.
BINABASA MO ANG
His Fearless Leigh
RomanceShe is Fearless. Brave. Strong. But what will happen if she meet a Ghost? Ghost na sya lang ang nakakakita at nakakausap niya pa. Ghost na bossy at masungit. Ghost na di pwedeng lumayo sa kanya ng lagpas sa 10 metro. Ghost na gusto syang gawing bod...